Janella's POV:
It's been six months since we got here in LA. Nung una, nahirapan kaming mag-adjust pero unti-unti, nasanay naman kami.
Masaya naman sa Ford University, maraming activities at friendly ang mga students.
Sila Patrick naman, palagi naming ka-chat. before the day ends, nagku-kwento kami kung anong nangyari sa araw namin, kahit sila nagku-kwento rin.
Sembreak namin ngayon kaya nagdecide kaming umuwi ng Pilipinas kahit three days lang.
Nandito kami ngayon sa airport ng LA nang may makabangga ako.
"Sorry Miss" sabi ko dun sa babae
"It's okay........wait, Janella?" kilala nya ko?
"Yeah it's me. Do I know you?"
"Ako toh si Abi, classmate nyo nung highschool" ahh familiar nga sya
"Ahh, so what are you doing here?"
"May business matter lang, kayo?"
"Uuwi ng Pilipinas for threee days lang. Bibisitahin lang namin ang boyfriend namin" sabi ni Gwyneth
"Boyfriend? Sino?"
"Sila Brent, Kenneth, at Patrick" sabi ni Cayllee
"B-boyfriend nyo sila?"
"Oo, bago kami pumunta dito, sinagot na namin sila" pagpapaliwanag ko
"Kung boyfriend nyo sila, sino yung --" naputol na ang sasabihin nya nang may tumawag sa kanya
"Abi!"
"Ah sige, una na ko ha" pumunta na sya dun sa tumawg sa kanya at umalis na sila
"Ano kaya yung sinasabi ni Abi?"
Oo nga parang ang weird lang kasi ng expression nya nung nalaman nyang boyfriend namin sila Patrick.
"Uy, tawag na flight natin. Lika na"
Pinawalang bahala na lang namin yun at pumasok na kami, baka maiwan pa kami.
Gwyneth"s POV:
Pagkadating namin, dumeretso agad ako sa unit ni Kenneth. Gusto ko sana syang isurprise, miss ko na sya eh.
Naka-ilang katok na ako bago buksan ni Kenneth ang pinto. Pagbukas nya tumambad sa akin ang topless at naka-short nyang katawan. Mukhang bagong gising lang sya, medyo magulo pa kasi ang buhok nya.
"SIOPAO! A-anong g-ginagawa mo dito?" teka bakit parang amoy alak ang hininga neto
"Isusurprise ka. Pero teka, bakit amoy alak ka?" hindi naman kasi sya umiinom.
"Ewan pero ang sakit ng ulo ko. Pero teka, kelan ka pa naka-uwi?"
"Kanina lang, dumeretso agad ako dito. Miss na kita eh. Halika nga uminom ka muna ng gamot." hinila ko sya papunta sa kusina nya at kumuha ako ng gamot at tubig
"Hindi mo alam kung uminom ka?" tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng tubig.
"Basta wala akong ma-" naputol ang sinasabi nya nang may nagsalitang babae
"Kenneth?.....Where are you?"
Napatingin ako sa nagsalita, nagulat ako sa nakita ko. Naka balot lang sya ng kumot at halatang wala syang suot na damit.
Nabitawan ko ang hawak kong baso dahilan para mabasag ito sa sahig.
"Ma-maxene?"
May biglang kumirot sa puso nang makita ko sila. May nangyari sa kanila?
BINABASA MO ANG
Can Present Remember the Past?
Genç KurguA book about friendship, love, happiness, sorrow, heartbreaks, and learnings. This will let you cry, smile, laugh, stun, or even angry. Find out how will these group, who were best of friends, ovecome the challenges that will come. The question is:...