Chapter 6- Someone?

14 1 0
                                    

Someone's POV:

Sa buhay natin, hindi lahat ng nangyayari masaya, minsan dadanas din tayo ng lungkot at problema.

Laging masaya ang anim na magkakaibigan ngayon, hindi nila alam na baka sa mga susunod na araw, problema na ang dadanasin nila.

Dumaan ang pasko ng hindi sila magkakasama dahil napagdesisyunan nilang puntahan ang parents nila, ang mga boys sa Singapore at ang mga girls naman sa LA.

Akala ng girls kahit sa pagsapit ng bagong taon ay hindi nila makakasama ang boys pero sinurpresa sila ng mga ito.

FLASHBACK

Sama-samang magcecelebrate ang mga pamilya ng girls sa pagsapit ng bagong taon pero hindi maipinta ang mga mukha nila dahil ilang araw na nilang hindi ma-contact ang mga boys, nagpromise kasi sa kanila ang mga ito na sabay-sabay nilang sasalubungin ang bagong taon.

"O bakit ganyan ang mga itsura nyo?" Tanong ni Lyneth, ang mommy ni Gwyneth.

"Eh kasi mommy, ilang araw na naming hindi ma-contact yung mga boys" sabi ni Gwyneth

"Hay nako alam nyo kayong tatlo napaka-ano nyo dun sa mga lalaking yun, tatawag din yun" sabi naman ni Aileen, ang mommy naman ni Cayllee.

"Eh mommy malapit na magcountdown, nagpromise silang sabay-sabay namin sasalubunhin ang new year" pagmamaktol naman ni Cayllee.

"Kayo ah mas love nyo pa ata yung mga mokong na yun kesa sa amin eh" malungkot na sabi ni Mella, ang mommy naman ni Janella.

"Uyyy nagseselos kayo noh" pang-aasar ni Janela sa mommy nya at sa mga tita nya.

Lumapit sila sa mga mommy nila at niyakap ang mga ito.

"Syempre mas love namin kayo"sabi ni Cayllee

"I love you mommy and titas" sabi naman ni Gwyneth.

"Oy oy oy, kami hindi kasali?" Sabi ng mga daddy nila. (Gabby, daddy ni Gwyneth, Carlo, daddy ni Cayllee, Jacob, daddy ni Janella)

"Syempre kasali" sabi nila at sumama naman sa yakapan ang mga daddy nila.

*Riiiiinnnnnngggggg*

Sabay-sabay na nagring ang mga cellphone nila Gwyneth, Cayllee, at Janella.

"Ay nako, iwanan na muna natin sila. Miss na miss na kasi nila yang mga tumatawag na yan" pagbibiro ng mga mommy nila.

"Bakit sino ba yun?" Tanong ng mga daddy nila.

"Eh sino pa ba e 'di yung mga bestfriends nila" sabi ng mga mommy nila

"Oy kayo ha wala munang boyfriend boyfriend hanggat hindi pa nagdedebut" sabi naman ng mga daddy nila bago sila iwanan.

Naghiwa-hiwalay muna silang tatlo bago sagutin ang tawag ng bestfriends nila.

(Gwyneth and Kenneth's scene)

Phone call

"Hello Siopao"

"..."

"Siopao?"

"...."

Hindi sya sinasagot ni Gwyneth para malamam nito na nagtatampo sya rito.

"Uy Siopao, sagutin mo naman ako"

"Bakit hindi ka ma-contact? Ilang araw na akong tumatawag sayo, hindi mo sinasagot"

"Huwag ka na magalit please" boses batang sabi ni Kenneth para talagang hindi na magalit ito sa kanya.

Can Present Remember the Past?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon