Chapter 16- Bidding Goodbyes

4 0 0
                                    

Third Person's POV:

Sometimes love is not enough in a relationship but the word trust is a big part of it.


After what happened, iyak na lang ng iyak ang tatlong babae. Si Gwyneth naman, laging binabantayan ng parents nya. Pagkagising nya after she attempted to kill herself, palagi na lang syang tulala. Lagi lang silang nasa kwarto, hindi na rin sila nakaka-kain ng sapat. Hindi rin nila pinapansin ang lahat ng tawag o text sa kanila ng tatlong lalaki.


Kinabukasan matapos mangyari ang lahat, nakatanggap ng sulat ang mga babae.


Binuksan ni Gwyneth ang sulat na galing kay Kenneth.


Dear Siopao,


Sorry sa mga nangyari kahapon. Hindi ko naman sinasadyang masaktan ka, hindi ko alam kung paano ko nakasama si Maxene. Wala naman akong gusto sa kanya, ikaw lang Siopao, ikaw lang. Please Siopao, sana mapatawad mo na ako. Sobrang sakit pala kapag nawalay ka sa pinakamamahal mo, kapag nakipaghiwalay na sa'yo ang girlfriend mo. Alam ko galit ka sa akin, gusto kong sabihin sa'yo na hindi ako titigil para lang mapatawad mo ako, gagawin ko ang lahat. Sana pagnabasa mo toh, mapatawad mo na ako. Maghihintay ako sa park mamayang 6:00 pm, kapag napatawad mo na ako pumunta ka doon at kapag hindi ka sumipot ibig sabihin hindi mo na ako mapapatawad at hindi mo na talaga ako gustong makita kahit kailan. Alam kong masakit pero kakayanin ko kung yun ang gusto mo kasi mahal na mahal kita.

Your Forever Handsome,

Kenneth



Halos mangiyak- ngiyak ng balde-balde si Gwyneth. Iniisip nya kung pupunta ba sya o hindi.



Binuksan ni Cayllee ang sulat para sa kanya na galing kay Brent.


Dear Patpat/ Bestfriend/ Cayllee,


Alam kong super galit ka ngayon sa akin dahil nasaktan kita. Patpat sorry na, sana mapatawad mo na ako. Alam mo inis na inis ako sa sarili ko kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo ako pa ang nakasakit sa'yo, ako pa na boyfriend at bestfriend mo. Oo, inaamin ko nagkamali ako, pero wala talagang nangyari sa amin. Patpat sorry na, alam kong ayaw mo na akong makita kahit kailan, pero sana pumunta ka sa rooftop mamayang 6:00 pm, maghihintay ako. Kapag pumunta ka ibig-sabihin pinatawad mo na ako, kapag hindi ka pumunta ibig-sabihin ayaw mo na akong makita habang buhay. Kung ano man ang desisyun mo basta masaya ka okay lang. Mahal na mahal kita.

Your Forever Balbal,

Brent



Halos maga na naman ang mata ni Cayllee sa kakaiyak. Naguguluhan sya kung mapapatawad nya ba si Brent sa ginawa sa kanya.



Binuksan naman ni Janella ang sulat na galing kay Patrick.

Can Present Remember the Past?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon