Gwyneth's POV:
First day of school ko today and I'm very excited pero nalate ako ng gising. Nagmamadali na akong nag ayos at pagkatapos dumeretso na ako sa parking lot. Nag drive na ako papuntang Green Ville Prep., ang school ko.
Nakarating na rin ako sa parking lot at nakita ko na ang dalawang BMW 7, lagot ako kasi kayla Janella at Cayllee na yun, pare-parehas kasi kami ng mga kotse at tabi-tabi pa sa parking lot.
Umakyat na ako sa 4th floor at hinanap ko yung room ko.
Pagkapasok ko nakita ko na si Janella at Cayllee na magkatabing naka-upo.
"Ba't ngayon ka lang sis?" tanong ni Janella sa akin Habang inayos ko yung gamit ko.
"Eh kasi sa sobrang excitement ko, anong oras na ako nakatulog kagabi kaya ayan tinanghali ako ng gising" pagpapaliwanag ko
"Sus, ang sabihin mo magkasama kayo ni Kenneth kagabi" pang-aasar nya sa akin
"Oy hindi ah, nagulat nga ako at hindi nagpunta sa condo ko yun kahapon eh" sabi ko
"Ah so nag-eexpect ka talaga" sabi nya nang nakangisi
"Che tigilan mo na nga ako" sabi ko sa kanya
Bigla naman akong napatingin kay Cayllee, ba't parang ang tahimik neto at nakabusangot pa yung mukha umagang-umaga. Hmmmmmm I smell something.............
"Huy bakit ang tahimik mo?" tanong ko kay Cayllee
"Oo nga, umagang-umaga nakabusangot ka" sabi ni Janella
Magsasalita na dapat sya pero napatigil kami kasi may mga boses ng lalaki na pagpasok ng room.
"Hi Guys!" masayang bati ni Patrick sa amin
"Hi! Morning!" sagot naman ni Janella
"Good morning Cayllee!" bati naman ni Brent kay Cayllee pero hindi naman sya nito sinagot, bakit kaya?
"Hi Siopao!" nakangiting sabi ni Kenneth sa akin
"Hello Handsome! Morning!" bati ko naman sa kanya
Yes may tawagan kami ni Kenneth. Siopao ang tawag nya sa akin kasi inaasar nya akong sobrang taba daw ng cheeks KO, kasing taba daw ng siopao. Handsome naman ang tawag ko sa kanya kasi lagi nyang sinasabing pogi daw sya, pero agree naman ako dun hahahaha :P
"Uyyyy pare ang sweet nyo naman may endearment na kayo, andami ng langgam oh" kinikilig na sabi ni Patrick
"Buti nga kayo nilalanggam na eh, yung iba dyan 'di nagpapansinan" parang may pinatatamaan si Janella dun ah
Tiningnan ko si Cayllee at Brent. "May problema ba kayo?" tanong ko sa kanila
"Alam nyo kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung hindi tumutupad sa usapan lalo na kung umasa ako" woahhh ang lalim ng hinugot nitong si Cayllee ah
"Woaaahhhhh! Boom sapul tol, sobrang lalim nun ah" Sabi ni Patrick habang nakatingin kay Brent, si Brent naman lumungkot yung mukha
"Hay nako guys halikana, iwan muna natin silang dalawa, mukhang kailangan nilang mag-usap" sabi ni Kenneth
BINABASA MO ANG
Can Present Remember the Past?
Novela JuvenilA book about friendship, love, happiness, sorrow, heartbreaks, and learnings. This will let you cry, smile, laugh, stun, or even angry. Find out how will these group, who were best of friends, ovecome the challenges that will come. The question is:...