Janella's POV:
Pababa na kami ngayon sa swimming pool, nagsuot kaming tatlo ng two piece pero nagbathrobe muna kami para hindi magalit yung tatlong boys.
"Kain muna tayo para makapagswimming na lang tayo mamaya." Sabi ni Patrick
"Cge ba. Tara" pagsang-ayon ni Kenneth
Kumain muna kami pagkatapos nagpahinga lang muna kami tapos we decided to go swimming na.
Nagmadali kaming tatlong girls na pumunta sa may side ng pool atsaka namin tinanggal ang robes namin. Tatalon na sana kami para hindi mahalata nung tatlong boys na naka- two piece kami pero may humawak na sa mga braso namin para hindi kami makatalon.
"Bakit ganyan ang mga suot nyo?" Seryosong tanong ni Kenneth
"Kaya pala naka robes kayo" dagdag pa ni Patrick
"Eh sige na payagan nyo na kami please" pagmamaka-awa ni Cayllee with matching puppy eyes.
"Hindi" sersyosong sagot ni Brent
Nagulat kami bg maghubad ng t-shirts yung boys, wow abs hehehe.
"Oh isuot nyo yan" sabi nila sa amin. Wala rin naman kaming magagawa kundi suotin yun.
Pagka-suot namin nagtinginan kami tapos itutulak namin yung boys. Kaso pagkatulak namin sa kanila, hinawakan nila ang mga kamay namin kaya pati kami nasama pagbagsak sa pool.
--Splash--
Pagkalubog namin sa tubig, tinulungan din kami nung boys na umahon.
"Ang sama nyo noh" angal ni Cayllee
"Oh bakit kayo naman nanunulak dyan ah" katwiran naman ni Brent
Oo nga naman kami naman talaga ang nauna hehehe.
"Ah ganun ha, baka gusto nyong hindi makapunta bukas ha" hindi talaga papatalo tong si Gwyneth
"Pano naman mangyayari yun, eh kami nga ang mga escorts nyo" katwiran ni Kenneth
"Bakit may necklace na ba kayo?" Sige na nga sakyan ko na lang din si Gwyneth
"Ano naman kung walang necklace?" Sabat naman ni Patrick
"Baka makapasok kayo" dagdag naman ni Cayllee
"Tsaka wala pa kaya kayong invitations" dagdag pa ni Gwyneth.
"Oo nga pare, wala pa tayong invitation" bulong ni Brent dun sa dalawang boys
"Ako bahala pare" sabi ni Kenneth
"Kayo naman oh 'di mabiro" panunuyo ni Kenneth
"Bigyan nyo na kami ng necklace tsaka nung invitations?" dagdag pa ni Patrick
"Eh pano kung sabihin naming nabigay na namin sa iba" tinignan ko si Gwyneth, alam kong nagbibiro lang sya kasi ang totoo nasa kanya yung necklace ng tatlong toh.
"Kanino naman?" Tanong ni Brent
"Kay Seth, JC, at Myco" mabilis na sabi ni Gwyneth. Nagtitinginan na lang kami ni Cayllee at nagpipigil ng tawa dahil sa reaction ng tatlo.
"Sino ba yun?" Katwiran ni Patrick
"Childhood crush namin na may gusto din sa amin at pinangakuan kaming pagdating ng panahon babalik sila at ang tamang panahon daw na yun ay ang debut namin. Sige kayo baka bukas bigla na lang silang lumuhod sa harap namin at maglabas ng maliit na red na box tanungin kaming will you mar-" hindi na natuloy ni Gwyneth ang mahabang salaysay nya kasi biglang yumakap sa kanya si Kenneth
"Stop that nonsense story. Hindi yun mangyayari" hahahaha I smell something jelly ace here
Kahit sila Patrick at Brent ang sama ng tingin sa amin. Hahahaha jelly ace din sila.
"Hahahahahahahahaha" hindi na napigil ni Gwyneth ang tawa nya natawa na sya pagkatapos marinig yun kay Kenneth habang nakayap pa rin sa kanya. Kahit kami ay natawa na rin.
"Why are you laughing?" Seryosong tanong ni Kenneth pagkakalas nila sa yakap
"Seriously, naniwala ka sa mga pinagsasasabi ko, hahahaha" sabi ni Gwyneth.
"Bakit hindi ba totoo yun?" Nalilitong tanong ni Patrick
"Obviously, not. Hahahaha. Ang epic ng faces nyo" sabi ko
"Eh bakit sino ba kasi yunf Seth, JC, at Myco na yun?" Tanong ni Brent
"Wala gawa gawa lang ni Gwyneth lahat ng sinabi nya. Okay?" Sabi naman ni Cayllee
"Uyyyy selos kayo noh? Galing ko talaga umarte. Hahaha" pang-aasar ni Gwyneth
"Hindi kami nagseselos!" sabay sabay pa nilang sabi hahahaha hindi daw pero mukhang galit sila kanina sa kinukwento ni Gwyneth.
"Sus hindi daw eh bakit defensive haha" pabulong na sabi ni Cayllee pero narinig ata nila
"Hoy sinabi nang hindi kami nagseselos" sabat nila hahaha
"Oo na hindi na kayo nagseselos, umahon na nga tayo" sabi ni Gwyneth.
Umahon naman na kami pero nagpipigil pa rin kaming tatlong girls ng tawa. Hindi daw nagseselos, sus napaka- indenial talaga nila. Hahahaha.
Gwyneth's POV:
Paakyat na kami ngayon, naalala ko yung necklace nitong tatlong toh, nasa akin nga pala yun. Si Kenneth na lang ang pakukuhain ko.
"Handsome, ikaw na lang ang kumuha ng necklace nyong tatlo sa unit ko" sabi ko kay Kenneth
"Sige" sagot nya
"Oy pre daan mo na lang sa amin ha" sabi ni Brent kay Kenneth
"Oo sige" sabi ni Kenneth
"Oh sige na bye sis, bye Brent, bye Patrick" pagpaalam ko sa kanila
"Sige bye sis" sabi nila
Dumeretso na kami ni Kenneth sa unit ko. Pagpasok namin na abutan namin sila mommy at daddy na nagdi-dinner.
"Hi mommy, hi daddy" bati ko sa kanila sabay beso
"Hello po tita, tito" bati naman ni Kenneth sa kanila
"Kumain muna kayo" aya ni daddy
"Gusto mo kumain?" Tanong ko kay Kenneth
"Ah hindi na, kumain naman na tayo sa baba kanina" pagtanggi ni Kenneth
"Ah hindi na po, kumain na po kami kanina" sabi ko kayla mommy
"Ah ganun ba , oh sige kakain lang kami dito" sagot ni daddy
"Sige po" sagot ko
Pumunta kami ni Kenneth sa kwarto kasi dun ko nalapag yung necklace nila.
"Ah Handsome, magbibihis muna ako ha" sabi ko sa kanya sabay pasok sa banyo
"Handsome andyan nga pala sa may side table ko yung necklace nyo" sigaw ko galing sa loob ng banyo
"Ah sige kunin ko na ha" sagot nya
Lumabas na rin ako at nakita kong naka-upo lang sya sa may mini sofa.
"Ah una na ko ha" sabi nya
"Sige see you tomorrow" sagot ko sakanya
"Sleep well okay? Alam kong hindi ka makakatulog dahil sa excitement mo. I can't wait to see how you look tomorrow as you turn to 18" sweet nyang pagkakasabi
"Kilala mo talaga ko noh. Promise I will try my best na makatulog para maganda ako bukas" pagbibiro ko
"Oo na sige na, mauna na ako" sabi nya sabay pinch sa nose ko.
"Oh sige bye"
Umalis na rin sya, ako naman natulog na para maaga akong makapag ready bukas.
BINABASA MO ANG
Can Present Remember the Past?
Teen FictionA book about friendship, love, happiness, sorrow, heartbreaks, and learnings. This will let you cry, smile, laugh, stun, or even angry. Find out how will these group, who were best of friends, ovecome the challenges that will come. The question is:...