Paalala lang po. Pakibasa muna uli ang chapters 18-21. Inediy ko po kasi baka mamiss nyo ang maliliit na importanteng details ng story na to so pakibasa po muna bago itong chapter na ito. Thank you XD
-------------------------------------LOREINNE'S POV:
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa amin ni Nathan. Pero kahit na nagkaganun kami, tuloy pa rin ang trabaho. Isinantabi ko muna yun dahil napakalaking investor ang kailangan naming imeet. Ito na kasi ang chance para magkaroon ng international branch ang resto nila Kenneth at ang Sweet Perfectionist.
Imi-meet namin sila sa condo kung saan ito nagsstay at sabi nila Kenneth doon din daw sila nakatira.
Pinagmasdan ko ang buong building. It looks very familiar.
"Andyan na si Mr. Sanchez"
"Goodmorning Sir"
Nagsi-upo kami at umorder muna ng lunch.
Parang napakabilis lang na nangyari ang meeting. Masyado akong naoccupide sa kakaisip kung bakit parang iba ang feeling ko sa building na ito.
"Huy Loreinne, nakikinig ka ba?" Tanong ni Shannria
"Ha?... ano yun?"
"Sabi namin, mukhang magtutuloy-tuloy ang success natin."
"Ah... oo nga. Pati international meron na tayo" sabi ko na lang
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Kenneth. Nginitian ko lang sya.
"Excuse me.....I need to go to the comfort room"
Ang totoo hindi naman talaga ako magccr. Para kasing may kung ano na nagsasabi sakin na may kailangan akong puntahan.
Napansin kong may umaaligid na butterfly sa akin. Parang pinapasunod nya ako. Sinundan ko ito at dinala niya ako sa harap ng isang pinto. Nakabukas ito kaya pumasok ang butterfly sa loob. Hindi ko alam kung bakit pero pumasok ako.
Walang tao sa loob. Kung titignan mo napaka-peaceful sa loob. Dumapo ang butterfly sa isang envelop. Tinignan ko ang envelop at may nakalagay na pangalan dito. Gwyneth.
Binuksan ko ang envelop. Nagulat ako sa nakita ko. Pictures.... pictures namin nila Shannria at Michelle.
Napakunot ako nang makita ko pa ang ibang larawan. Sila Kenneth?
Naguguluhan ako. Kelan? Paano? Wala akong maalala sa mga pictures na nakikita ko ngayon.
Kring....kring.....kring
------Phone Convo-------"Hello Loreinne"
"Michelle"
"Nasan ka na?"
"H-ha....a-ah a-ano nauna na ko. Sorry hindi nako nakapagpaalam. May kailangan lang akong asikasuhin"
"Ha? Tek---"
"Sige na bye."
---End of Convo---
Binalik ko ang mga pictures sa envelop at inilagay agad sa bag ko.
Mabilis akong umalis sa building na iyon at bumalik sa bahay.
MICHELLE'S POV:
"Ha? Tek-"
"Sige na bye"
Toot...toot...toot
Ano naman kayang aasikasuhin nun?
BINABASA MO ANG
Can Present Remember the Past?
Novela JuvenilA book about friendship, love, happiness, sorrow, heartbreaks, and learnings. This will let you cry, smile, laugh, stun, or even angry. Find out how will these group, who were best of friends, ovecome the challenges that will come. The question is:...