"Henny, puwede bang ikaw muna ang magtrabaho nito? Masakit kasi ang ulo ko ngayon, parang di ko kakayanin." Sambit ni Elisabeth sa akin habang kami ay nasa kusina.
"Sige, ilagay mo lang diyan. Ako na ang bahala." Ngiti ko.
"Salamat, Henny!" Masayang sabi niya bago umalis. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari.
Namatay ako sa isang aksidente sa bus. Nawalan ng preno ang sasakyan kaya doon nagsimula ang aking kalbaryo. Pero bago ko pa man maaksidente, ini-recommend sa akin ng kaibigan kong si Lexie ang nobelang "Love under the Rose". Tinanggihan ko siya noong una dahil hindi talaga ako mahilig sa ganong genre, pero mapilit siya kaya wala na akong nagawa. At aminado ako, sobrang ganda ng flow ng story at sobrang unique ng pagkakasulat. Parang mas lalo kang magkakainterest sa bawat chapter.
Kaya doon nga, sikretong binabasa ko ang libro. Ini-skip ko lang yung mga bed scene dahil wala akong maintindihan doon. Parang nahihilo ako sa kakaisip. Basta ang gusto ko lang doon ay ang bawat interaction niya sa mga capture targets.
Pero sa huli, siya ay napunta sa male lead na si Felix Don Baughette. Natapos ko ang story sa epilogue, pero hindi ko alam na ang heroine ay hindi makakapag-produce ng heir para kay Duke Felix. Duke Felix, isang guwapong lalaki na pangarap ng lahat. Paano nga ba naging napakaganda at sexy ng isang lalaki na iyon? Pareho silang maganda ng character at iyon ay hindi patas.
"Narinig mo ba ang balita? May affair daw ang Duke?" Napatigil ako sa tsismis ng mga maid. Hindi totoo yun, happy ending na ang story at nakasulat doon na walang ibang mahal ang Duke kundi si Princess Peneloppe lang.
Agad akong pumunta sa kwarto ni Princess Penelope at naabutan ko siyang umiiyak. Walang pag-aalinlangan, niyakap ko siya. Nasasaktan ako na makitang umiiyak si Princess Peneloppe. Hindi niya deserve ito...
"Okay na ako, Henny. Salamat sa pag-comfort sa akin." Ngumiti siya sa akin na may luha sa mga mata.
Nakatulog na rin siya sa wakas at napatigil ako nang makita si Duke sa harap ko. Agad akong yumuko.
"Your Excellency." Nanatili lang ako na nakayuko at nang i-angat ko ang tingin ko, nakatingin siya sa akin. Nataranta ako kaya kinuha ko ang malaking basket na dala ko kanina para palitan ang sapin.
"Aalis na po ako." Sambit ko at dali-daling lumabas ng chamber.
Ano kaya ang iniisip ng Duke? Wala naman siguro akong kasalanan, diba? Ginagawa ko naman ang trabaho ko ng maayos. Hayst.... bahala na nga!
Itinuloy ko na ang trabaho ko sa mansiyon nang may tumawag sa akin.
"Henny!" Napangiti ako nang makita si Ronan, isa rin sa mga trabahador dito. Siya ay isang hardinero sa mansiyon ng Duke at nakilala ko siya dahil tinulungan niya ako minsan nang utusan akong mamitas ng bulaklak.
"Bakit, Ronan?" Tanong ko nang makalapit siya.
"Nakita ko na ang hinahanap mong herbal." Sambit niya na ikinatuwa ko.
"Salamat talaga, Ronan. Hulog ka ng langit!" Agad kong kinuha iyon at isinilid sa bulsa ng damit ko.
"Ano bang gagawin mo diyan?" Tanong niya.
"Magandang gamot kasi ito kapag pagod ang katawan mo. Bibigyan kita nito kapag nabuo ko na." Ngiti ko.
"Sige!"
A/N;
Bagong kuwento ito, guys. Baka medyo depressing 😕
BINABASA MO ANG
Suddenly I reincarnated in the novel (SEASON 1)
General FictionI remain innocent at the age of 25 years old lumaki ako na strict ang parents ko so wala akong alam pagdating sa sex activities. Ewan kong paano ko I explain to pero- "Henny? may problema ba?" tanong saakin ni Princess Penny. agad akong umiling. "No...