Chapter 30

8.2K 208 7
                                    

Henny PoV

At sa wakas nakarating din kami sa mansiyon ng Duke pero hindi ko pa rin mapigilan maalala ang lahat. Pinigilan ko ang mga emosyon ko at kinuha ang mga gamit ni Peneloppe sa loob ng karwahe kasama ng kutsero samantalang nakita ko si Peneloppe na hinawakan ang braso ng Duke.

"Felix pasok na tayo." Sambit nito at hinila ang Duke papunta sa loob hindi na ako tumingin pa at binuhat ang mga gamit don kasama ang mga maid na sumalubong saamin. Dinala nila kami sa silid ng mga maid na minsan ko naging kuwarto noon dito ko nakilala si Elisabeth. Saan na kaya siya?

Nagbigay ng instructions ang head maid saakin sa mga dapat kong gawin dahil personal maid ako ni Peneloppe kailangan ko malaman ang bawat rules sa mansiyon. Which is na memorized kona lahat.

"Okay good! Bumalik kana sa trabaho mo." Sambit nito at umalis na sa harap ko.

Pumasok ako sa dating kong silid at ganon din ang nangyari nong una akong pumunta dito. Nikagay ko ang mga gamit ko sa lumang kabinet at sinuot ang uniporme ko. Lumabas na ako ng silid ko at pumunta sa chamber ni Peneloppe.

Nakatayo lang ako sa gilid nilapitan ako nito at sinampal ng malakas.

"Dahil sayo naputol ang pag uusap namin ni Felix. Sinasadiya mo ba talaga yon?" Hindi ako kumibo at tinignan siya sa mga mata niya.

"Sinadiya? Hindi ko alam na napakitid ng isip mo my lady para pagselosan ako." Bigla akong natawa sa harap niya.

"May nakakatawa na sa sinabi ko!" Galit na sambit nito.

"Oo... Isipin mong mabuti my lady. Sino ba naman ako para magustuhan ng Duke na kinahuhumalingan ng kababaihan sa buong imperyo." Napa roll eyes ako sa sinabi ko.

"Huwag ako pagselosan mo. Bantayan mo iyang magiging asawa mo baka maghanap ng iba. Galingan mo nalang sa kama." Sambit ko ikinagulat Niya.

"Henny bakit mo sinasabi saakin ang salitang iyan. Kailan kapa natuto—"

"Natuto? Tsk! Bakit hindi mo nalang gawin yong sinabi ko sayo."

"Bakit mo Ito ginagawa? May sinabi ka pang papatayin mo kaming lahat—"

"Oo! At ano sa tingin mo? Biro lang yon? kaya habang ginagamit mo ako. Gagamitin din kita.... Pinagkaiba nga lang Alam ko yong plano mo saakin. Pero sayo Hindi mo alam kung paano kita mapapakinabangan."

Nilapitan ko siya at bumulong sa taenga niya.

"Kung ako sayo itikom mo iyang bibig mo kung ayaw mong malaman ng Duke ang lahat. Maliwanag ba my lady?" Hinaplos ko ang buhok niya at ngumiti sakanya.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." Sambit ko.

"At nga pala.... Gusto kona ilagay mo to sa inumin ng Duke." Binigay ko sakanya yong maliit na bote.

"At ano naman to?" Tanong niya.

"Lason." Nanlaki ang mata nito na nakatingin saakin.

"Nababaliw kana ba Henny." Galit na sambit nito. Kaya nilapitan ko siya at nilagay ang kamay ko sa leeg niya.

"Gusto kong sakalin ang napakagandang leeg mo my lady sa totoo lang kaso di pa ako tapos sa Duke. Siya muna uunahin ko at isusunod ko si Lukas at pagkatapos ikaw naman."

"Ano ba kasalanan ko sayo! Naguguluhan na ako Henny—"

"Wala kang kasalanan saakin ngayon pero sa nakaraan napakarami. Pero huwag mo na isipin yon total nandito naman tayo sa present kaya lulubusin ko nalang maghiganti."

"Walanghiya ka!" Sinunggaban ako ni Peneloppe at sinabunotan kinuha ko yong kamay niya sa buhok ko at tinulak siya dahilan para mauntog ang ulo niya sa gilid ng mesa.

AUTHORS note;

Guest what kung anong mangyayari ���

Suddenly I reincarnated in the novel (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon