Chapter 3

17.3K 448 22
                                    

Henny PoV

Nakatitig lang ako sa bintana habang humahaplos ang simoy ng hangin, bukas na bukas ay pupunta na ako sa Duke para magpaalam na aalis na ako at uuwi sa lugar ni Princess Peneloppe. Exclusive maid lang naman ako ni Princess Peneloppe.

Nakatulog ako nang mahimbing sa silid ko, ngunit biglang akong nagising nang may humaplos sa hita ko. Agad akong bumangon at nagulat nang makita si Duke sa harap ko.

"D-Duke, What are you doing here?" Bigla akong kinabahan nang hawakan niya ang baba ko.

"I think your body can satisfy me. I don't care about your looks as long as you can satisfy-" Agad akong tumakbo papunta sa pinto pero nahuli ako ni Duke.

"I'm not done talking to you-" Tinadyakan ko siya sa ibaba at tumakbo ulit papunta sa pinto. Bilis kong tumakbo palabas ng mansyon pero doon ay salubungin ako ng mga knight kaya agad akong nag-iba ng direksyon.

Dumaan ako sa likod kung saan nakita ko ang pader na may sikretong palabas. Binuksan ko ito at malayo pa ang isa pang pinto ng labasan kaya nagmadali akong tumakbo.

Nang makalabas ako, biglang may humila sa buhok ko.

"You bitch!" Agad akong itinulak palayo sa pinto. Tiningnan niya ako at hinawakan ang baba ko.

"You dare to run away from me?" Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang malaking bato sa tabi ko kaya agad ko itong kinuha at hinampas sa ulo niya.

"Layuan mo ako!" Saad ko at tinulak siya ng malakas

Tumakbo ako nang tuluyan at hindi ako tumigil kahit namamanhid na ang mga paa ko. Kailangan kong makatakas mula sa lalaking iyon.

Hanggang sa may paparating na karwahe sa harap ko. Kumaway ako at humarang, ngunit mga merchants pala ang nakasakay.

"Tumabi ka diyan!" Sigaw ng isa sa kanila. Hindi ako tumabi kundi bumaba at sumakay sa kanilang karwahe. Bago iyon, inihanda ko ang mamahaling kuwintas at hairpin ko para makumbinsi sila.

"Kahit sa inyo na lang ito, kailangan ko talagang makasakay." Lumuhod ako sa kanila.

"Parang awa niyo na!" Desperadong sabi ko at nagbabadyang tutulo ang luha ko sa takot.

"Oh sige..." Sumakay ako at malayo na kami. Napayakap ako sa sarili ko, naalala ko ang nangyari. Kinikilabutan pa rin ako sa ginawa ni Duke.

"Ano bang nangyari sa'yo? Parang may pasa ka?" Usisa niya.

"May humabol sa akin, isang mabangis na hayop kaya napalaban ako." Pagsisinungaling ko.

"Bakit ka nandoon? Mangangaso ka ba?"

"Hindi po! Dayo lang po ako."

"Saan lugar mo?"

"Sa Eranio po ako." Tumango siya at nagkuwentuhan kami. Hanggang sa nabanggit niya ang tungkol sa anak niya at kay Duke Felix.

"Alam mo, gustong-gusto ng anak ko si Duke Felix. Pero dahil sa aming mababang uri, walang pag-asa na mapansin siya ni Duke. Walang makakapantay sa yumaong asawa ni Duke."

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang mga babae sa mundo. Bakit sila obsessed kay Duke? Hindi ko talaga maintindihan...

Author's note;

Hope you like it!

Suddenly I reincarnated in the novel (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon