Chapter 1 - Introduction

228 13 4
                                    

-:-:-

Chapter title:

Introduction

-:-:-

Ranz' POV

"Psst, men." Kinalabit ko si Aubrey na busy sa pagsagot sa sarili niyang test paper. Humarap naman siya na may asar sa mukha niya.

"Oh? Ano na naman tanong mo? Ranz naman! Kanina ka pa nagtatanong. Di ka ba nagreview?" Naiinis na tanong niya. Pero pabulong naman niyang sinabi. Nasa kalagitnaan kasi kami ng test eh.

"Eh, men. Hindi ko kasi talaga alam 'tong question na 'to eh. Alam mo namang mahina ako dito. Patulong," nagmakaawa naman ako sa kanya. At as always, panalo ako. Kinuha niya yung papel ko at sinagot yung ilang questions na hindi ko alam sagutin. Ang bait talaga ni Besfriend.

"Yan na!" Pabulong na sigaw niya. Ay gets niyo ba? Kinuha ko naman yung papel ko at ginulo yung buhok ni Aubrey.

"Salamat," pangungulit ko. Mukhang napansin kani ng prof namin.

"Ongsee, stop that and focus on your test," bawal niya sa akin. Napatingin naman yung mga kaklase ko sa amin ni Aubrey.

"Sareh."

-:-:-

Nagring na yung bell and complete chaos ang room. Last year na lang at wala na tayo sa high school. Konting tiis. 16 years old na ako kagaya ng bestfriend kong si Aubrey Sagad. Bestfriend ko siya simula pa nung mga grade 3 pa kami since magkakilala ang mga parents namin.

Halos pareho lang kami ng buhay ni Aubrey. Kami iniwan ng papa ko. Gaguhan eh. Bale, tatlo lang kami lagi sa bahay. Si mama, si Niana at ako. Sina Aubrey naman, stepfather lang ang meron siya na ngayon ay nasa wheelchair na lang. Ang mama naman niya nasa abroad, Canada to be specific. Pero ginagawa lahat ni Aubrey ang best niya in everything. Ayaw niyang maging pabigat. Gusto niya makatulong. Kaya mahal ko si Bes eh.

"Psst, Pre!" Sinutsutan ako ni Oliver, tropa ko. Nagpaalam muna ako sandali kay Aubrey habang nagaayos siya ng gamit niya. Lumapit ako sa may pintuan kung saan nakatayo si Oliver.

"Break niyo na rin?" Tanong ko. Ang alam ko kasi rotating yung break namin and yung section pa lang namin yung pwedeng lumabas.

"Hindi. Sabi ko kay Ma'am Ewan na magc-cr lang ako. Gusto ko sanang abutan si Aubrey. Nandyan ba siya?" Tanong niya habang sumisilip sa room namin. Nakikita naman niya tinanong niya pa.

"Pre, wala siya sige. Yang nakikita mo kakambal niya. Shunga mo! Ligawan mo na kasi!" Asar ko sa kanya. Alam ko naman kasi na gusto ni Oliver yang Bestfriend ko. Siyempre walang taguan ng sikreto. Kaso si Aubrey, ayaw niya daw talaga ng something more. May gusto na daw kasi siyang iba pero ayaw niyang sabihin. Pero madalas hindi naman daw siya pinapansin nun. Malaman ko lang kung sino yung bumabalewala sa kaibigan, papatayin ko.

"Baliw ka talaga! Pinaparinig mo pa yata! Alam mo namang maiilang na naman yan!" Sabi ni Ver sabay suntok sa akin ng pabiro.

"Pero, Ranz, pakibigay na lang 'to sa kanya. Sabi mo paborito niya 'tong clubhouse sandwich eh. Pag namang mali pala yang facts na binigay mo, limutan na tayo!" Pabiro niyang sabi. Tumango naman ako at tinapik siya sa balikat.

"Baka magtaka na yang teacher niyo ngayon sa tagal ng pag wee mo. Ako nang bahala." Paninigurado ko sa kanya. Pagkatapos nun, umalis na rin siya at tumakbo sa hallways.

"Psst! Singkit! Dito daliiii!!" Sabi ni Aubrey sa akin habang kinikilig.

"Bakit ka kinikilig? May picture ba ako sa phone mo?" Pang-aasar ko sa kanya. Inisnaban naman niya ako at nagscroll ulit sa cellphone niya.

"Ano ba yun?" Tanong ko habang papalapit sa kanya.

"OH EM GEE talaga! Tingnan mo! Ang pogi ni Niall dito oh!" Pagkasabi niya nun, napa-facepalm na lang ako.

Isang fangirl ng One Direction si Aubrey. At ang bias niya ay si Zayn. Kaya naman nung umalis si Zayn sa banda, hindi pumasok ng isang araw yang babaeng yan. Pinayagan naman siya ng papa niya dahil firsf time lang niyang mag-absent sa school year na 'to. Pagkapasok nga niya nun, pinagalitan ko siya. Sabi ko,

"Mag-absent ka lang pag pumanget ako. Mas malaking problema yun. Pero malabong mangyari."

Haha! Isang malutong na sapak pa nga yung natanggap ko nun at ang alibi niya love hurts kaya daw niya ako sinaktan.

Pagkatapos ng maiksing fangirl session niya, sa wakas ay kumalma na siya. Napatingin naman siya sa hawak kong lunch box.

"Ano yan? Teka si Oliver yung kausap mo di ba? Wag mong sabihing..............."

"Oo." Sagot ko sa pagaakalang gets na niya.

"HA?! KAYO NA NI OLIVER?! OH MY GOODNESS! AKALA KO PA NAMAN LALAKI KA!! RANZINA! WAHAHA!!" (A/n capslock para intense!)

Eto lang ang reaction ko -_-

"Ikaw talaga! Hindi noh! Para sayo nga daw 'to! Ayieeee!!" Asar ko habang kinikiliti ko siya sa tagiliran.

"Ranz! Tigil na nga! H-huy!" Sabi niya habang tumatawa. Tinigilan ko na rin naman baka kasi maubos yung oras sa recess eh.

"Men, wala ka talagang balak sagutin si Oliver? Mabait naman siya, pogi gaya ko. Ano pa bang gusto mo?" Curious na tanong ko.

"Ranz, sabi ko na sayo. May gusto nga akong ib--"

"Yung hindi ka pinapansin? Engot yun! Wala naman siyang pake sayo eh, di ba? Bakit di na lang si Oliver? Kesa sa gxgo sa yun?"

"Oo Ranz, gxgo ka."

-:-:-

VOMMENT!!

Ella xx

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon