Chapter 9 - Love, Finally

90 5 1
                                    


Kapag tinatype ko yung nickname ni Oliver na Ver, nao-auto correct sa Very. Wahaha!

Marye :D

-:-:-

Chapter title:

Love, Finally

-:-:-

Oliver

"Ver, sinasagot na kita."

Sabi ko na nga ba dapat hindi ako nagmilk tea bago pumasok eh. Yan tuloy, umeepekto na.

"Brey, anyare?" Tanong ko ulit. Kanina niya pa ako tinitingnan eh. Alam ko namang pogi ako pero sana naman wag niya kong tunawin. Kapit humahangin.

"Oliver, sinasagot na kita."

This time, seryoso na. Sinasagot daw niya 'ko? Paano ba magreact sa ganito. Lahat ng pinraktis kong linya kapag sinagot niya ako, nakalimutan ko na.

Weh? Hindi talaga ako makapaniwala. Para naman akong bakla sa pinagsasasabi ko. Pakipalitan nga po yung writing style author!

(AN: K.)

Paano ba ako magrereact? Oo, masaya ako na sinagot na niya ako sa sobrang dami ng effort ko. Pero kasi, parang padalos-dalos. May gusot pa yung pagkakaibigan namin ni Ranz. Hindi pa napaplantsa ni Author. Letse. Seryoso dapat ako eh.

"S-sigurado ka?" Nagaalangan pa din ako. Pero masaya ako ha? Ang hirap ngang magpigil ng ngiti dito eh.

"Sigurado ako. Wag mong isiping ginagawa kitang panakip butas. Oliver, narealize kong sawa na ako sa pagpapakatanga kay Ranz. Tiningnan ko lahat ng mga ginawa mo para sa akin. Siguro nga ang engot ko talaga para echosin ka. Pero seryoso, sinasagot na kita."

Weeeeeyyy...Nakakabakla. De joke. Ang saya ko talaga. Pramis. Ang saya. Nubayan Author, lagyan niyo naman ng exclamation.

Ang saya ko talaga! Sa wakas! Lahat ng unli load na ginamit ko, lahat ng hatid sundo na ginawa ko. Lahat paid off na! At this time, hindi ko na naitago yung ngiti ko.

"Uyy...salita ka naman. Feeling ko late na ako eh. Tell me, kay Audrey ka na ba?" Ay selos agad. Finally, baka makanta ko na sa kanya yung ginawa kong kanta.

"Sinasagot mo na ako?" Paguulit ko. Sinusubukan ko lang kung legit yung narinig ko.

"Iihhh...oo nga. Nangaasar ka yata eh..." Haha! Ang cute talaga ng girlfriend ko. Girlfriend ko na siya di ba? Ang sarap pakinggan!

"Sige, ulitin natin. Ehem. Brey, mahal na mahal niya. Magiging masaya ako kung lahat ng effort ko ay tatanggapin mo na. Aubrey, will you be my girlfriend?" Woy! Wag kayo. Tao din ako, kinikilig. Sinong nagsabing babae lang yung pwede?

"Yes, Mr. Posadas. I will," sabi niya at ngumiti. Buti nalang nasa quadrangle na yung mga students kung hindi, napublicize na lahat 'to. Pero wala akong pake kung malaman nila. Kasi proud ako.

"Salamat, Brey. Mahal kita."

-:-:-

"Iihh...ayaw ko nga!" Aba nagpout pa.

Pinipilit ko kasi siyang magcallsign kami ng Love. Eh ayaw eh.

"Sige na. Kinakahiya mo ba ako?" Haha! Galing kong mangonsensya noh? Nasa canteen kami ngayon at walang masyadong tao kasi sa labas halos sila bumili ng recess. Open gate na nga kasi.

"Hindi. Aish. Ang cheesy kasi eh!" Pagmamaktol niya. Ang cute talaga ng girlfriend ko.

"Sige na...sige ka. Sa foundation day ipapaannounce ko na tayo na---"

"Libre mo ko, love."

Haha! Nakuha din.

"Anong gusto mo Love?" Hindi pa rin maalis-alis sa labi ko yung ngiti. Para na nga kaming mga baliw dito sa kakatawa at ngiti eh. Pero alam niyo yun? Ang sarap ng pakiramdam. Lasang chocolate. Haha joke. Yung tipong aware ka na may problema ka pero nakakalimutan mo lahat kasi sobrang saya mo. Ayun. Ganun yung nararamdaman ko ngayon.

"Sandwich and c2 na lang."

Nga pala, favorite niya yung sandwiches. Haha! Para naman akong stalker neto. Kiniss ko muna siya sa noo at ngumiti naman siya bago ako pumunta sa counter at bumili ng recess. Siguro hindi na ako magrerecess, busog na ako sa pagmamahal eh. Ay letse. Ang corny. Kakain ako noh! Gumaya na lang ako sa order niya at ako na nagbayad. Ganito lang daw yung tipo niyang date eh. Tapos habang kumakain daw, magtatanungan kami tungkol sa isa't isa. Ang simple naman ni Love. Pero one time, hindi lang ganito yung magiging date namin.

"Game. Ikaw una." Kumagat naman siya sa sandwich at nagisip ako ng magandang tanong. Halos yata lahat na ng facts, nalaman ko na eh. Stalker nga niya yata ako eh.

Alam ko na!

"Mahal mo pa ba si Ranz?"

Sige na, ako nang makulit. Gusto ko lang talagang marinig galing sa kanya eh. Nasurprise ako nung ngumiti lang siya at hinawakan yung kamay ko.

"Ikaw talaga, siyempre mahal ko pa siya,"

</3

"Bestfriend ko siya eh. Pero mas mahal kita, love."

Yun lang ang kailangan kong marinig. Napangiti na ako hanggang sa tenga ko. Hindi naman literal, edi napunit yung labi ko. Haha!

"Ikaw na!" Masayang sabi ko.

"May dare ako."

Ngumiti siya ng nakakaloko na parang may binabalak talaga siya.

"Dare? Go," paghahamon ko.

"I dare you na ipakilala ako sa parents mo."

-:-:-

Sabaw. Haha!

-chocolate octopus Ella xx

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon