Chapter 5 - Sorry Na

103 10 0
                                    


Bakit parang mas pabor ako sa #AuLiver? Kenekeleg ako sa kanila! Muahaha!

Ella xx

PS: pabasa naman ng Summer Love nasa profile ko po. Manats :)

-:-:-

Chapter title:

Sorry Na

-:-:-

Ranz

[Classroom - Monday]
[July 13 - 8am]

Monday sucks.

I hate Mondays. Papasok na naman. Makakakita ka na naman ng mga isnabera, pasikat, nerds at syempre assignments. Ugh. Wala pa ngang dalawang buwan yung klase, bored na ako.

Matamlay akong pumasok sa room namin at sinubsob ang mukha ko sa armchair. Ang sama ng pakiramdam ko. Maaga naman ako ngayon kanya may oras pa naman siguro akong matulog. Edi matulog.

-:-:-

"----so if Density is missing, multiply the mass and the volume of the matter."

"Sht Ranz, gising na."

Dahan dahan akong umalis sa pagkakadukmo ko at nakita si Aubrey na kinakalabit ako. Cold pa rin yung mata niya sa akin pero halatang concern siya. Syempre, para saan pa ba yung paggising niya sa akin?

"Pasalamat ka, nag-aalala pa rin ako sayo." Pagkasabi niya nun, humarap na siya sa may blackboard. Tokneneng! Katabi ko nga pala siya.

Feeling ashamed of myself, inayos ko na yung buhok ko at nakinig sa teacher namin.

-:-:-

Next class na namin. Math. Yoohoo! Pero wala ako sa mood.

Lahat sila pinaguusapan yung lesson kanina tungkol sa mass at matter. Aish. Nerds.

Tapos biglang may naglightbulb sa isip ko. Habang inaayos ko yung mga gamit ko para magmath, hiningi ko yung atensyon ni Brey.

"Oh?" Cold na tanong niya.

Sana gumana. Alam kong mapapangiti siya dito. Miss ko na rin ang best friend ko.

"You have mass, you occupy space and you have volume. You know what that means?"

Nagsmirk ako sa kanya, umaasang mapangiti ko siya.

"What?" Matamlay niyang tanong habang inaayos yung bag niya.

"You matter."

Natigil naman siya sa pag-ayos ng bag niya. Nakayuko pa rin siya pero alam ko na yan.

Napasmile ko na siya.

"Look, I'm sorry kung nasungitan kita nung Sabado. May iniisip lang kasi ako nun eh. Promise, sali ka na sa cover this week," sabi ko habang nakapalad. Brey naman. Wag mo na akong pahirapan.

Sinuot na niya yung bag niya sa balikat niya at tumingin ng malungkot sa akin.

"Alam mo bang napaiyak mo si Oliver?"

Nabato naman ako sa tanong niya. Si Oliver? Umiyak? Big deal yun. Doon ko nalaman na importante pala talaga ako kay Oliver.

"Alam mo Ranz, isang patak lang ng luha yung nalabas niya pero alam ko marami pa siyang gustong iiyak. You made him cry, Ranz. You know what that means?" Sabi niya at ginaya yung boses ko dun sa matter pick-up line.

"You are heartless enough to make your best friend upset." Pagkatapos nun, tinapik niya ako sa balikat at lumabas ng room.

I made my best friend cry daw? Edi ako nang masama. Hindi ko naman sinasadyang tanggalin siya sa video. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko. Paano ba yan?

Malabo kami ni Trisha.

Nagtatampo si Oliver.

Galit si Aubrey.

Life couldn't get any better huh?

Frustrated akong pumunta sa Math Class namin. Hindi naman dapat lilipat ng room pero kailangan daw gamitin yung math and science room. Ano na naman kayang kaartehan ito?

It turns out na yung projector lang ang ginamit sa room na 'to. Paminsan-minsan titingnan ko si Aubrey sa may likuran ko. Nakatingin siya sa screen pero halatang wala dun yung isip niya. Nasa crunch planet. Oh no.

Bigla akong nagka-craving sa Crunch. Mamayang recess na lang siguro. Nakinig naman ako sa imaginary number ek-ek na tinuturo ni Ma'am.

"If x is missing, what equation would we use?" Nagtaas naman ng kamay yung kaklase naming si John.

"Ma'am the equation is Iyak+Move on=Recovery."

Nag 'huh' naman kami pati si Ma'am.

"Can you explain what you just said?"

Proud na tumayo ulit si John at nagsimula.

"If my Ex is missing I will cry and then move on so I can recover from being hurt," sagot niya.

So ang nasa isip niya at yung ex-girlfriend ganun? Haha! Langya John. John ka magaling eh. Haha!

Pinatigil naman kami ni Ma'am mula sa pagtawa at tiningnan ng mabuti si John.

"Detention it is."

-:-:-

Recess. Loner.

Yan ako ngayon. Si Aubrey lang kasi dapat yung kasabay ko since classmate ko siya. Rotating kasi yung break time para hindi riot sa canteen. Tiningnan ko yung crowd at nabigo along makita si Aubrey. Sumuko na lang ako at linabas yung crunch chocolate sa bag ko.

-:-:-

"Aubrey. Please naman. Sorry na...." Pangungulit ko sa kanya habang naglilinis siya. Cleaner kasi siya ngayon at pinipilit kong ako na lang maglinis para mapatawad niya ako. Sa mga panahong nagtatampo siya, ang hirap mabuhay. Laging may guilt sa loob mo. Tapos hindi pa madaling magpa-sorry sa kanya. Why you gotta be so rude?

"No." Yan lang ang ulit-ulit na sagot niya sa akin tapos lilipat siya ng spot na lilinisin. Please, I'm sorry. Sorry na," pagmamakaawa ko. Per wala. I guess kailangan ko pa magtry mamayang pauwi.

-:-:-

Im sorry dahil sangkatutak ang typos. Pero kasi 10 pm na at maaga pa ako bukas sa church so pasensiya na. Pero kinikilig ako sa inyo. May almost 20 loyal readers aketch. Muahaha! Tenchu. Vote naman kayo oh? Hindi nakamamatay. :D

Obsessed ako sa Photo Blending kaya ayan sa media. Wahaha! XD

Ella xx

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon