Chapter 17 - Foundashuun

52 3 0
                                    


May curfew na sa cellphone si aketch. Huhubels

Ella xx

-:-:-

Chapter title:

Foundashuun

-:-:-
Ranz

"Haaaay....sa wakas!" Umupo ako sa sahig dahil sa pagod. Kami lang naman ang naglinis sa dating place nina Oliver. Dakilang tropa yata kami!

"Take-out na dis!" Masayang binalot ni Owy yung pagkain na parang pulubing ngayon lang makakakain. Napaka-PG!

"PATAY GUTOOM!". pang-aasar ni Ully. Binatukan lang siya ni Owy at tinuloy ang pagbalot. Mga ulul.

"Pag ba kay Khea, tutulungan niyo din ako?"

"Natural Bibs! Basta yung pagkain ha?" Tinaas baba naman ni Owy yung mga kilay niya at natawa na lang kami sa katakawan niya. Bakit hindi na tumataba 'tong lalaking 'to?

-:-:-

From: Babe
Psst. Punta ka sa AVR.

To: Babe
Luh? May cover shooting sina Ranz eh.

From: Babe
Siya na naman? Akala ko ba panakip-butas lang yun?

To: Babe
Sorry na. Oo na. Mageexcuse na lang ulit ako sa kanya. See you :*

Ito lang naman ang conversation nina Trisha at Denver. Anlupet noh? Kaya pala lagi siyang wala sa mga shoot namin.

Tama kayo. Hindi ko pa nababalik 'tong phone niya. Wala pa akong lakas ng loob na ipaalam sa kanya na nasa akin 'to. Hindi rin naman niya hahanapin sa akin. Hindi nga niya alam eh.

Pero ang sakit kasi sa mata ng usapan nila eh. May pababe-babe pa. Ano yun? Baboy?

(A/N: naku Ranz. Kung alam mo lang ang call sign ni Owy kapag sikat na kayo.)

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit binabasa ko pa 'to. Engot ko din eh. Sorry naman.

Yang Trisha na yan. Naku. Lagi ko siyang iniisip, hindi naman niya ako iniisip. Buti pa si Aubrey.

Alam ko namang bestfriend ko lang siya pero hindi maaalis sa akin yung turn-ons. Babae pa din siya after all.

Talented? Check

Maganda? Check

Mabait? Check

Matalino? Check

Oh di ba? Crush ko nga yan eh. Pero hindi yung seryosohan na. Attraction lang ganun. Pero bakit ganon? Ngayon hindi na niya ako napapansin masyado dahil kay Oliver, pakiramdam ko may kulang?

Parang mas nakita ko kung gaano ko kagusto si Aubrey. At narealize ko na kaya lang ako nagpatuloy na manligaw kay Trisha ay dahil, Ewan. Ayaw ko lang matalo ni Denver sa panliligaw o kahit ano pang bagay. Sige. Ako nang mapride. Pogi naman.

Di dapat ako nagpapastress eh! Lalo na't foundation day at school fair ang mga next days.

At least kahit busy sa school, nakikita ko pa si Aubrey.

Pucha. Erase! May nobyo na siya! Wala akong pake sa kanilaaaaa...wala. Woloh. Woloh.

Hay! Ranz! Anlabo mo! Nung walang boyfriend si Aubrey, iba hinahabol mo. Ngayong nabasted ka, ganyanan lang? Ano si Aubrey? Panakip-butas? Gaya ng turing sayo ni Trisha? Hello Ranz?G@g0 lang?

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon