Chapter 2 - Blind Heart

183 7 4
                                    


Isn't Megan Nicole just so cute and lovely? #cutenessoverloadinonecollage

Ella xx

-:-:-

Chapter title:

Blind Heart

-:-:-

Ranz' POV

"Huh?" Tanong ko. Ewan ko kung tama yung narinig ko. Bumulong lang kasi siya. Baka naman trip na naman ako ni Bes!

"Sabi ko Oo Ranz gxgo siya."

Oo nga naman. Magkatunog kasi yung ka and siya. Ranz kasi mapag-assume.

"Gusto mo?" Alok niya sa sandwich. Umayaw na lang ako at kinuha na rin yung recess ko at nagkuwentuhan na lang kami.

"Sa Sabado pala, pupunta kami dun sa Highview Hills. Gagawa kami ng I'm Yours Cover ng tropa. Sama ka ha?" Nagsmile naman siya at tumango.

-:-:-

Natapos ang araw at hinatid ko na lang si Aubrey sa kanila. Nagbless naman ako kay Tito at umalis na rin. Siguradong naghihintay na sina Yanna.

-:-:-

"Pasalubong?" Unang tanong ni Niana sa akin. Eto talaga!

Linabas ko na lang yung Kinder Joy na kinaadikan niya ngayon. Dalawang piraso lang naman yung laman. Ang mahal pa!

"Si mama?" Tanong ko.

"Nasa kwarto po niya, nanonood ng TV. Kuya, nililigawan mo na ba si Ate Aubrey? She's so nice kasi eh."

Lumaki naman yung mata ko.

"Ikaw talaga! Sabi na ngang friends lang kami ni Ate Brey eh. Si Ate Trisha yung gusto ko."

Napakunot naman yung noo niya na parang hindi approve.

"I don't like her, Kuya. When she visited us here, nagalit siya sa akin because I ate her chocolate bar and then pinalo niya ako. I hate her kaya!" Pagmamaktol ni Yanna. Huh? Hindi ko yata expected yun ah?

Medyo naasar ako sa sinabi ni Niana. Pagtripan niyo na lahat ng alien sa Pluto basta wag lang yung pamilya ko. Hindi ko talaga naisip na kaya ni Trish na gawin yun.

"Kakausapin ko siya, okay?"

"Psh. I think hindi na niya kayang magbago." Sabi ulit niya sabay cross arms. Napabuntong hininga na lang ako at pumunta na sa kwarto ni Mama at Niana. Pagkapasok ko, nakahiga siya sa kama at nanonood ng TV. Naka office clothes pa rin siya at mukhang pagod.

"Ranz. How was school?" Tanong niya habang nakasmile kahit pagod na.

"Okay lang naman po. Gusto niyo po ng juice?" Tanong ko.

"Wag na, Ranz. Malapit na rin namang maghapunan. Mabuti pa magbihis ka na para makapagpahinga ka na. Tapos text mo si Aubrey." Sabi ni mama habang nakangiti ng nakakaloko. Haaaaayy!!! Ilang beses ko bang sasabihin na best friend ko lang si Aubrey?

"Ma naman...." Pagrereklamo ko.

"Yung Trisha ba talaga na yun eh, kilala mo na?" Pagtatanong niya. Si mama minsan lumilitaw ang chismosa mode nya .

"Ma, trust me. Mabuti siyang tao. Kailangan niyo lang siyang kilalaning mabuti."

Pagkatapos kong sabihin yun, huminga siya ng malalim at umayos ng upo.

"The thing is, alam ko na ang ugali niya. But find out for yourself. Learn, Ranz."

Weird naman nila ngayon. Pareho sila ni Niana na ayaw si Trisha. Eh pag kasama ko naman siya, she's nice naman eh. Ayaw ko namang isiping plastic siya. I trust her.

"Magpapahinga lang po ako."

Lumabas na lang ako ng kwarto at baka saan pa mapadpad ang usapan.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit bago ko tinapon ang sarili ko sa kama sa sobrang pagod. Lecheng volleyball kasi. Hindi naman ako marunong nun pinilit pa 'ko ni Cav. Kung alam ko lang gusto niya lang ipagmayabang yung muscles niya. Haha! Edi ako nang wala.

Naisipan kong itext si Trisha tungkol sa nangyari sa kanila ni Yanna. Ginawa ba talaga ni Trisha yun? Baka isipin niya wala akong tiwala sa kanya. Pero kasi, hindi naman magsisisnungaling si Niana especially bata siya.

Halos tatlong minuto din akong nag-isip kung tatawagan ko si Trisha o hindi. Uwian na rin naman nila niyan eh.

Sa Montessori kasi siya nag-aaral at kami naman, sa Chevalier. Pareho lang kaming private school pero ang schools namin ang parang pinaka magkaribal pagdating sa sports, competitions and academic excellence. Ewan ko ba kung bakit may mga ganyang kaartehan pa. Akala ko education ang inaalok nila, yun pala pressure sa pag-aaral.

Teka. Kanina si Trisha yung iniisip ko, bakit ngayon nagpapaka DepEd ako sa pagiisip? Haha!

Nope. Kakausapin ko na lang siguro siya sa Sabado. One day to go.

-:-:-

Aubrey's POV

"Dad naman eh. Inumin niyo na kasi," pangungulit ko kay papa. Paano ba naman kasi, ayaw niyang inumin yung gamot niya.

"Wag mo na akong ibili ng mga gamot, Brey. Hayaan mo na lang akong mamatay. Tapos hanapin mo yung Tatay mo kesa mahirapan ka pa sa akin."

"Pa naman. Bakit ba nagtatampo na naman kayo? Alam niyo naman pong hindi ko kayang gawin yun eh. Kaya inumin niyo na 'tong gamot niyo. Kung iniisip niyo na pabigat kayo, hindi Tay. Kasi pamilya kita. Please Pa. Intindihin niyo ako."

Bigla namang naiyak si Papa. Ihh..walang ganyanan! Naiiyak na rin ako.

Hinarap naman niya ako at ininom na rin sa wakas yung gamot niya.

"Buksan ko po yung TV ha? Gagawa lang po ako ng assignment sa kwarto." Sabi ko at dinala ang wheelchair niya sa may tapat ng TV. Nagpaalam muna ako atsaka ako pumunta sa kwarto ko.

Oo, napapagod ako sa pag-aalaga sa kanya pero hindi ibig sabihin nun na pabigat siya. Mabuti pa nga siya hindi kami iniiwan ni Mama eh yung hayup na nangiwan sa Mama ko? Walang modo.

Linabas ko na yung mga assignment namin na gabundok. Nagumpisa na akong mag-answer para mabilis akong matapos at makapaglinis na ako ng bahay. Typical day.

-:-:-

Kadaldalan ni Ella

Medyo maiksi. I know. Binigyan ko lang po kayo ng preview kung anong klaseng buhay meron sila.

Question: Bakit po Blind Heart ang title?

Ang nakasagot will win a FOLLOW AND VOMMENT ON YOUR STORY.

Yun po muna ngayon. Sana nagustuhan niyo kahit naiba ko na yung plot. ✌

Ella

Pakibasa po yung note sa next page! :)

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon