Chapter 16 - Cadbury

56 3 0
                                    

-:-:-

Chapter title:

Cadbury

-:-:-

Aubrey

Be yourself :)

Yan naman ang nakasulat sa pendant ng necklace ngayon na pinadala niya kay Oweng dito sa bahay. Singsing yung pendant na may engraved words. Naimagine niyo na?

Fudge kinikilig ako! Ene be! :"D

Hindi ko muna yun sinuot dahil gusto kong siya yung magsuot sa akin nun. Para mas special ek-ek.

Sabi niya be yourself, kaya ayun, isang simple statement shirt at jeans lang yung sinuot ko. Sinuot ko din yung doll shoes ko at sling bag bago magpaalam kina mama na lalabas kami ni Oliver. Mula kasi kanina iniiwasan ako nung bear na yun para may thrill daw yung date. Pasuspense ampupu.

Naghintay ako sa meeting place namin. Isang 7-11 store.

-----------------------
To: Olibear
Psst..andito na 'ko. :)
----------------------
From: Olibear
Otw. Ily.
----------------------

Andaming alam na shortcut eh. Nagfacebook muna ako dahil libre WiFi at hinintay si Oliver. Ano kayang pakulo nun?

Habang nagfafacebook ako, bigla akong kinabahan nung may maglagay ng panyo sa mata ko.

"Oliver?!" Tanong ko. Pero kinakabahan ako ha? Hindi ganito kasakit magtakip ng mata yun. Ayaw niya yung nasasaktan ako.

"Aww...guess again?" Mapagchallenge na sabi niya. The fudge?! Hindi ko kilala yung boses niya.

Hindi ako makapagsalitang maayos dahil nakatakip yung bibig ko. May naamoy din akong nakakahilo at nawala na ang malay ko.

-:-:-

Nagising ako sa tawanan ng mga lalake sa isang maliit na room na kinalalagyan ko. Amputs. Asan ako?!

"Pare, gising na! Yeeaaahh!!" Sabi nung isa. Nakatakip pa din yung mga mukha nila at yung mata lang yung hindi. Malamang. Napatingin sila sa akin lahat.

"Psst miss..Mahimbing ba tulog mo?" Unti-unti siyang lumapit sa akin. Sa mukha ko. Kaya naman yumuko ako.

"Anong kailangan niyo?!" Sigaw ko. Good thing medyo nakakahinga ako dahil hindi nakatakip yung bibig ko.

"Ikaw miss...hehe!" Hinawakan nung isa yung chin ko. Iniwas ko yung mukha ko dahil hindi naman ako makalaban dahil nakatali ako sa upuan.

Nasan na ba ako? Bakit napunta ako sa ganito? Last ko na ba 'to? Lord no. I need to live.

Gusto ko pang mahalin si Oliver.

Hindi ko na namalayan na may tumutulo nang luha sa mga mata ko. Pucha. Hindi dapat ako maging mahina sa harap ng mga 'to.

"Umiiyak na. Tawagan mo na si boss." Bulong nung isa sa kanila sa kasama niya. Tiningnan ko sila ng masama at sumigaw.

"MGA WALANGYA KAYO! PAKAKAWALAN NIYO AKO DITO O PAPATAYIN KO KAYONG MGA PESTE KAYO?!"

Natawa yung iba pero binatukan siya nung isang matangkad na payat.

"Pag tayo asdfghjkl."

Hindi ko naintindihan yung sunod nilang sinabi dahil may pumasok na lalaki pa din.

"Eto na si boss. Maghanda ka na miss." Kinindatan ako nung ungas na lalake. Manyak ata yung mga 'to.

Fudge. Kinakabahan ako.

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon