Chapter 3 - Sana

151 10 0
                                    


Owtor's Nowt: Kapag po may nakasulat na name sa umpisa tapos naka emphasize, it means sa kanya po POV yun. And lalagyan na rin po natin ng time and date and day para may sense po yung timeline. Haha!

Brey pronounced as Bri

-:-:-

Chapter Title

Sana

-:-:-

Ranz

[Saturday Jul. 11- 2:30 pm]

[Highview Hills/Posadas Residence]

"Ranz, paabot nung gitara," sabi ni Owy. Kinuha ko naman sa may trunk ng kotse yung gitara ko. Nasira daw yung kanya eh.

"Nasan na ba yang kapatid mo?" Tanong ko sa kanya habang inaabot yung gitara.

"Ewan. Baka pinopormahan si Brey."

Natawa naman sina Cav at binigyan ko lang sila ng death stare.

"Ikaw ba Ranz gusto mo ba talaga yang Trisha na yan?" Tanong ni Ully. Kumunot naman yung noo ko at inirapan siya. Seriously? Anong problema ng mga 'to.

"Ano bang ayaw niyo sa kanya? Mabait naman si Trisha ha?" Intriga ko.

Umakto namang inuubo si Cav at Ully. Si Biboy at Owy naman tumawa lang.

"Mabait? Haha!" Sabi ni Biboy. Pinatigil ko na lang sila at hinintay sina Aubrey, Trish at Oliver.

-:-:-

Nung mga 2:45, dumating na rin si Oliver kasama si Aubrey. Mukhang masaya. Psh.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Owy.

"Sa bahay. Tumawag kasi si Mama. Gusto daw niyang makita 'tong babaeng 'to." Tinuro naman niya si Aubrey at natatawa pa.

"Makaturo ka ha? Pag ikaw na nuno. Haha!" Tawa ni Aubrey. Pinisil lang ni Oliver yung pisngi ni Brey at umubo naman si Owy.

"Uy, tingnan niyo yung karatula No PDA allowed."

Binatukan naman ni Ver si Cav at umupo na sa pwesto niya.

Saan na kaya si Trish?

"Ranz, pwede ba 'kong tumugtog ng keyboard?"

Bakit ang tagal ni Trisha? Kahapon ko pa sinabi ha?

"Sige na. Marunong naman ako eh."

Baka may binili lang na pasalubong sa 'kin.

"Alam ko din yung I'm Yours. Please?"

O kaya traffic?

"RANZ KYLE VINIEL EVIDENTE ONGSEE! Nice talking," sarcastic na sabi ni Aubrey. Napatingin naman silang lahat sa direksyon namin. Nagulat na lang ako pagkatapos akong sigawan ni Aubrey. Hindi ko siya napansin.

"Sorry. May iniisip kasi ako eh."

"Of course. Si TriSHIT." Wtf?

Tumawa na naman si Cav pero narealize niyang seryoso 'to.

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon