Chapter 21 - Oliver's Reason

46 4 2
                                    


-:-:-

Chapter title:

Oliver's Reason

-:-:-

Oliver

Calling....

Call ended.

Bakit ba ayaw niyang sagutin? Nagi-guilty na ako.

Hindi ko akalain na mahihirapan ako sa pagtatago sa kanya ng ginagawa ko. Hindi ko gusto si Charlotte. I just wanted to make her happy.

Name: Charlotte Buencamino
Age: 16 years old
Died: August 13, 2015
Bring our love heavenwards.

Hinalikan ko siya? Oo.
Because she wished to have her first kiss...and also last.

Binigyan ko siya ng atensyon? Because ako yung crush niya. Crush not love.

I just wanted to make her happy, kahit bago man lang siya mamatay.

Pumasok siya sa school sa huling pagkakataon dahil kahit wala siyang gaanong kaibigan, that school will always be special daw. She thought she was selfish na mabigyan ko siya ng atensyon kesa kay Aubrey pero ayaw kong may nalulungkot dahil sa akin.

Maybe mababaw na reason lang 'to para sa iba. Pero para sa akin, it was fair. She lived humbly. She lived cheerfully. She lived to love. Pero binawi din siya agad ni God.

Ano ang kinamatay niya?

She donated her heart sa taong hindi niya kaano-ano. Isang taon na palang pinagiisipan ng mga magulang niya na payagan siyang mawalan ng buhay para buhayin ang taong hindi nila kilala. Pero after a year, they decided to do it.

Charlotte was a nobody at school. Nabubully siya. Her parents are divorced. Her brother died at the age of 14. She was a clinically depressed person pero imbes na magpakamatay, she gave her life to someone who deserves to live.

Martyr? If that's the right term. But she's more like a hero.

"Ver, oras na. Magtext ka na lang Kapag pasusundo ka kay Papa ha? Ingat. Paki-abot na rin ng condolence ko." Ngumiti ng malungkot si mama.

I have known Charlotte since Grade 7. Lagi siyang nasa competitions and quiz bees. But no one noticed her. Sure nakikilala siya kapag nanalo pero other than that, wala na.

"Para po."

Bumaba na ako sa bahay nila kung saan hinihintay na lang mula sa morgue ang katawan ni Charlotte. Her parents look exhausted pero alam ko na kaya nila 'to.

"Good evening po." Nagmano ako sa mga magulang niya na tulala lang sa harap ng bahay nila. Tumango naman sila at nagsimulang magkwento.

"Nakakapanghinayang na ang mga batang gaya ni Charlotte ang dapat na narerecognize sa school. Pero yung mga sumisikat pa yung mga walang ginawa kundi magpasikat."

Kung hindi lang ako lalaki, humahagulgol na din ako dito.

"Hindi niya deserve magkaroon ng broken family. Hindi niya deserve mamatayan ng kapatid. Pero ang nakakabilib, she tried her best to be happy at maging positive. That's why I love my daughter."

Tinapik naman siya sa balikat ng stepfather ni Charlotte na halatang apektado din sa pagkamatay niya. Sino ba namang hindi maaattach sa kabaitan ni Chat?

-:-:-

5:20 pm nung matapos yung pag-arrange nila sa burol. Tumulong na din ako sa pag-seserve sa mga nakikilamay. Most of them were relatives at teacher coaches niya. Lahat positive ang baon na message.

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon