Chapter 4 - Decisions

126 9 0
                                    


Megan's kiss you cover on media side
#perfection

Lilinawin ko po na hindi lang dahil nagalit si Ranz kaya umiyak si Aubrey. Sa mga susunod na chapters bibigyan ko siya ng justified POV. Wag niyo siyang murahin. Haha!

Vote and comment :)

Ella xx

-:-:-

Chapter title:

Decisions

-:-:-

Ranz

To: <3
Salamat sa pagpunta noh? Makonsensya ka.

Sinend ko na yung text kay Trisha. Sarcastic text yun. Hindi siya pumunta at kung bakit, hindi ko alam. Naiinis ako sa lahat. Tapos dumagdag pa yang Trisha na yan. Kung kailan kailangan ko siya, dun pa siya wala.

Ginawa namin yung cover ng I'm Yours; ng wala si Oliver. Kasalanan niya, nakitakbo takbo siya.

Naguguluhan pa din ako kung bakit bigla na lang nagpapansin si Aubrey sa drama. Nakakaasar. Magsama sila ni Oliver.

Hindi ko din alam kung bakit ako naiinis sa kanila. Nakakabad vibes kasi yung hindi pagsipot ni Trisha. Nakakatampo. Nakakapanghinala.

Two weeks na siyang hindi pumupunta sa tambayan. Two weeks na rin siyang hindi nagpapakita sa akin. Bakit?

Kada linggo kami gumagawa ng cover o kaya dance number tapos iuupload sa YouTube channel namin. That means, 2 covers nang wala si Trisha.

Oo, hindi niya pa 'ko boyfriend pero sana naman kung sinabi niyang gusto niya 'ko, iparamdam niya di ba? Hindi yung parang iniiwan ka sa ere.

Nagbeep yung phone ko. Nakita kong may notification sa YouTube.

+IHeartRanz commented on your video.

Ew! Makaheart wagas. Hindi naman sa ayaw ko ng mga supporters pero kasi yung iba naiilang ako. Like ang galing ng asawa ko comments. Ang creepy.

Pumunta ako sa link at nakita ko yung comment niya.

+IHeartRanz ayy..nasan po si Oliver?

Nakikipagflirt. Gusto kong sabihin.

Masungit na kung masungit basta naiinis ako sa araw na 'to. Una hindi dumating si Trisha tapos umiyak si Aubrey tapos nakita ko sila ni Oliver .

Pagkatakbo nina Oliver, inayos na namin yung mga gamit para magstart na kami tapos sinundan ko muna sila. Pinapasok naman ako ni Tita since kilala na nila ako. Nung papalapit na 'ko sa music room nila, nakita kong nagaagawan sila ng notebook tapos yung paghalik ni Oliver kay Aubrey. Hindi ko alam kung sa lips kasi likod ni Oliver yung nakita ko pero, sa lips yata.

Ha.ha. Edi wow.

Bago pa ako magsuka, iniwan ko na sila dun. Buhay nila yun eh. Edi sa kanila na.

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon