Chapter 14 - Coincidence

76 2 0
                                    


-:-:-

Chapter title:

Coincidence

-:-:-

Ranz

"Ranz, play mo nga yung cover niyo nung I'm Yours. Matagal ko na ring di naririnig yung kantang yun."

Kinuha ko yung phone ko at sinaksak sa portable speaker sa may dashboard. Pinlay ko yung video habang nanonood si Niana sa likod.

Pagkaplay pa lang nung video, agad nagtaka si Niana.

"Kuya, nasaan po si Kuya Ver?"

"Uhmmm...."

Ano bang sasabihin ko dito? Sasabihin ko bang nag-away kami tapos kiniss niya si Aubrey?

"Nasaan din si Ate Sunget?"

Mas nabad-trip pa ako sa pangalawa niyang tanong.

"Sila kasi yung nag-camera diyan."

Okay. Nagsinungaling ako. Best role model award goes to me.

"Aahh....okay."

Buti nanahimik na siya at nagfocus sa video.

Pinikit ko na lang yung mga mata ko since medyo malayo pa kami sa mall.

"Kuya IPIIIIIIIIIIIISSS!!!!!!!!!"

Napamulat agad ako sa sinigaw ni Niana. Inakyat ko yung paa ko sa seat ko at tumingin sa flooring.

"Nasaan?!"

Pagkatingin ko sa likod, nagpipigil na ng tawa si Niana.

"Ay bakla nga. Bakla bakla!" Tawa pa siya ng tawa habang sinasabi yan. Tiningnan ko naman siya ng masama at umayos na ng upo. Natahimik naman siya pero nagpipigil pa rin siya ng tawa.

Lightbulb. *ting*

Gantihan lang baby.

"Crush ka daw ni Onin eh...ayyiiee...."

Lumapit ako sa pwesto niya at tinusok ko yung tagiliran niya. Pinilit niyang pigilan yung pangingiliti ko sa kanya.

"Ayyiie...Onin, Onin, Onin!" Pang-aasar ko.

"Kuyyyaaaa.......Mama oh. Si Kuyaaa..." Pagsusumbong niya kay Mama.

"Onin, Onin Oni-----"

Bago pa man ako bawalan ni Mama, bigla na lang umiyak si Niana. Patay.

"WAAAAAHHH!!!" Iyak niya. Nataranta naman ako at tumigil na.

Nung tumingin ako sa tabi ko, nakatingin na sa akin si Mama. Yung nakakamatay na tingin.

"Sshh..Sorry...Sorry na baby...Uyyy.." Panunuyo ko. Hindi pa din siya tumitigil at nag-iisip naman ako ng pwedeng panulsol sa kanya para tumigil na siya.

"Wag ka nang umiyak. Sige ka hindi tayo pupunta sa Quantum.."

[Owtor: walang kokontra. #quantumisbae]

Bigla naman siyang kumalma at tumingin sa akin.

"Promise yan ah Kuya?"

Tumango naman ako at umupo na ng maayos. Ang hirap talagang patahanin ng batang 'to. Haha!

"Hindi ko man napanood ng maayos yung video sa kakulitan niyong dalawa. Kunin mo na yang phone mo at bumaba na kayo. Ayun sila oh. Wala nang parking dito eh. Sabihin niyo na lang."

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon