Chapter 13 - ItsMeAubrey

83 3 0
                                    


-:-:-

Chapter title:

ItsMeAubrey

-:-:-

Aubrey

10 pm na nung natapos yung editing. Hihi. Ang saya ko nga talaga dahil pinayagan nila ako. Maganda naman yung kinalabasan eh. Ang galing nilang sumayaw.

"Ver, nagtext na si Mama. Uwi na 'ko ha? Magti-treat pa siya bukas. Sama ka daw ha? Pati si Ranz. Alam mo naman kung gaano sila kaclose."

Tumango naman siya at halatang pagod na pagod na.

"Hatid na kita. Uuwi na rin naman si Ranz eh. Para lang masigurado kong safe kayo."

Nginitian ko naman siya ng nakakaloko. Haha! Walang ganyanan. Namumula ako.

"Wag na. Andiyan naman si Ranz eh. Okay lang ako. Pahinga na kayo ng kapatid mo. Umuwi na rin sina Cav at naayos ko na yung pinagkainan. Pahinga ka na lang. Ranz, tara na. Gabi na rin eh."

Nakailang pilit pa ako kay Oliver para lang makapagpahinga na siya. Sa huli, ako rin yung nanalo.

Tumayo naman si Ranz sa sofa at lumapit na sa amin.

"Ikaw na lang magupload. Magdedelete muna ako ng files sa memory ko. Nasa desktop niyo rin naman yung video di ba? Sige. Pakisabi na lang kina Tita Lizza, nakauwi na kami."

Tinapik naman ni Oliver yung balikat ni Ranz at naglean sa akin para ikiss yung noo ko. Nagpaalam na rin kami dahil bangag na bangag na talaga ako sa pagod.

"Tricycle na lang tayo. Pagod na talaga ako eh."

Pag kasing jeep pa yung sasakyan namin, lalakarin pa namin yung street papunta sa village eh. Kaya tricycle na lang para tuloy-tuloy na.

"Sige. Para lang ako."

Pumara nga siya ng tricycle at sumakay na kami para agad makauwi. Pagkaupo ko sa tricycle, humiga na lang ako sa balikat ni Ranz dahil hindi ko na talaga kaya.

"Antukin kahit kailan." Inasar niya ako at mas ginawa ko pang komportable yung ulo ko sa pagpapahinga. Haha! Para mahirapan siya.

"Gisingin na lang kita kapag nandun na tayo. Napagod ka talaga sa shoot eh. Hindi ka pa yata asdfghjklqwertyuiop."

Hindi ko na naintindihan yung mga sinabi niya dahil inaantok na talaga ako.

-:-:-

"Psst...Brey...gising. Brey."

Nagising ako sa pag-alog ni Ranz sa akin. Nasa tapat na kami ng bahay namin. Inaantok akong tumayo at lumabas sa tricycle.

"Wag ka nang magbayad. Ako na lang. Ipapadaan ko din dun sa amin. Sige, good night."

Nagsmile ako sa kanya at ganun din naman siya. Grabe, may impact pa rin talaga yung ngiti niya sa akin. Pero parang hindi na ganun katindi. Na kay Oliver na kasi lahat ng atensyon ko. Parang mas minahal ko pa si Ver kesa kay Ranz. Siguro dahil hindi cold at mysterious si Oliver. Eh si Ranz, poker face lagi. Lalo na ngayong heartbroken siya.

Hinintay kong makaalis sina Ranz at pumasok na din ako sa bahay namin gamit yung spare key ko. Dim lights na lang din yung nakasindi at tahimik na rin. Tulog na nga sila. Linock ko ulit yung pintuan at umakyat sa kwarto ko. Inalis ko lang yung bag ko at hindi na nagpalit ng damit sa sobrang pagod. Hanggang makatulog na ako.

-:-:-

"Tapos talagang naisip kita nung nakita ko yung bear. Ang cute talaga eh! Muntik ko na ngang makalimutan. Nasa box pa siya, kung gusto mo nang kunin."

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon