Chapter 20 - Runaway Bride

62 5 3
                                    

-:-:-

Chapter title:

Runaway Bride

-:-:-

Aubrey

Hinila ako ni Ranz pabalik sa booth nila habang nakatatak sa mukha ko yung saya.

Sa wakas Ranz! Nakakaramdam ka na!

Pero alam ko sa sarili ko na pinagtatakpan ko lang yung kalungkutan ko. Linoloko ko lang ang sarili ko sa pag-aakalang masaya akong napapansin ni Ranz. When technically, gusto ko si Oliver dito.

Nakakatawang isipin na sobrang cliché ng takbo ng buhay ko ngayon. Noon, gusto ko si Ranz pero si Oliver yung pumapansin sa akin. Ngayon, si Oliver na yung gusto ko pero si Ranz ang nagchi-cheer up sa akin. What the actual fudge di ba?

"Sign up tayo!" Masayang sabi niya. Lumapit siya sa desk malapit sa substitute niya yata. Habang nandoon siya, napansin kong nasa may food stall si Oliver kasama na naman yung babaeng yun. Bahala kayo.

Booth ng section nina Clarence yung food stall na yun. At ngayon, natutunaw na sina Oliver sa tingin ni Cav at ng kapatid niya. Tama! Ipaglaban niyo 'ko!

Bumalik na si Ranz sa tabi ko na may malapad na ngiti.

"Ranz Kyle and Aubrey please proceed to our booth."

"Tara na!"

Nagpahila na lang ako kay Ranz hanggang sa may altar habang nakatayo ako doon awkwardly.

Hindi dapat ako nagpasama kay Ranz dito eh. Ayokong magalit si Oliver. Gusto ko kapag humingi na siya ng tawad sa 'kin, wala na siyang isusumbat sa akin. Gusto ko magkaayos na kami.

"Ranz, ayaw ko na." Hindi ko namamalayan na paatras na pala ako ng paatras mula sa kanila.

"Huh? Aubrey, kasiyahan lang 'to." Umiling-iling ako at tumakbo na palayo habang naririnig ko yung pagtawag ni Ranz sa akin.

Tumakbo ako papunta sa booth nina Clarence kung saan nandoon pa din sina Oliver.

I may look desperate.

I may look like a loser.

Maybe for you, I'm just fooling myself.

No.

I choose Oliver over Ranz.

Pagkalapit ko sa stall, I crushed Oliver in my hug.

"Woah." Narinig ko si Owy.

"Trouble." Sabi naman ni Cav.

Hindi ko nararamdamang yumakap pabalik si Oliver. Nakatayo lang siya habang umiiyak ako.

"Please..." Patuloy pa din ako sa pag-iyak.

Mas lalong nanghina ang loob ko nung imbes na yumakap siya, tinanggal niya yung pagkakayakap ko sa kanya.

Napatingin lang siya sa akin na parang nakikiusap.

Please, wag mong sabihin yung nasa isip ko.

I'm breaking up with you.

No!

Lean On Me (Ongsee Vs. Posadas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon