01

41 3 0
                                    

tw // mentioned of suicide, knife.

 D A N N Y  P O V

"winter pinapatawag ka ng nakakataas" sabi saakin ni jaden na kakapasok lang dito sa aking silid.



"Pasunod na" sabi ko sakaniya nakatingin lang siya saakin na parang may gusto sabihin.



"May problema ba?" tanong ko sakaniya doon siya natauhan.



"Ah wala, diba ngayon mo makukuha ang una mong misyon?" tanong niya.



"Oo nga pala buti pinaalala mo saakin sige mauuna na muna ako ha" sabi ko sakaniya at lumabas na agad sa aking silid dahil gusto ko na malaman ang una kong misyon.



"And'yan ka na pala winter pasok ka muna" sabi ni 4th rank angel. 



Mayroong limang rank ang angels sa mga nakakataas ang nasa rank 1 siya ang nagpaparusa sa mga anghel na mali ang mga ginawa lalo na kung mabigat ang pagkakamali ng anghel matakot kana, next si rank 2 siya 'yung mga gumagawa ng mga mission mayroon siyang kapangyarihan na makita ang mga asa lupa, next si rank 3 siya 'yung nagbabantay sa mga angel na trine-train pa lang katulad ko at si rank 4 siya 'yung nag sasabi saamin ng misssion namin at si rank 5 tinutulungan niya si rank 2 sa panonood sa mga asa lupa.



"Ito ang mission mo alam mo hindi ko alam ba't gustong gusto ni god na gawin 'to sa mga namatay na nung pinanganak nakaka-inggit pero okay lang mas gusto ko maging anghel kesa maging mortal" sabi niya hindi ko siya maintindihan.



"Huh? ano po?" tanong ko sakaniya bigla naman siya naging aligaga.



"Ah wala wala ano ka ba self ba't ba ang daldal mo?" bulong niya pero naririnig ko pa rin siya hindi ko na lang pinansin 'yun at pumunta na lang kay rank 5 'yung isa niya rin palang ginagawa ay siya 'yung bantay sa gate ayun 'yung labasan para mapunta sa lupa.



"TEKA" rinig kong sigaw kaya napatingin ako sa sumigaw at si jaden pala.



"Buti naabutan kita akala ko hindi na kita makikita muli" sabi niya, natawa naman ako.



"Ang mission mo ay sa lupa?" tanong niya, natawa naman ako sakaniya napaka inosente niya talaga.



"Jaden lahat ng mission ng mga anghel ay sa lupa pero minsan meron rin dito sa langit" sabi ko sakaniya.



"Hindi na ba kita makikita muli?" tanong niya, doon ako hindi sigurado...



"Magkikita pa tayo 'wag ka mag alala" sabi ko sakaniya pero malungkot pa rin siya.



"Aasahan ko iyan, winter" sabi niya saakin nginitian ko naman siya at niyakap siya.



"Hahatid kita sa gate, p'wede ba?" tanong niya, tumango naman ako.



Naglakad kami hanggang sa mapunta na kami sa gate papuntang lupa nakita din kami ni rank 5 kaibigan na namin ang mga nakakataas maliban lang kay rank 2 at rank 1 si rank 2 kasi masyado siyang tutok sa lupa kaya hindi namin siya nakikita si rank 1 naman takot kami sakaniya.



"Oh winter mukhang nakuha muna ang una mong mission" sabi ni rank 5 ngumiti naman ako sakaniya.



"Nakakalungkot naman at maghihiwalay na kayo nito ni jaden 'wag ka iiyak jaden ha andito naman ako" inasar pa ni rank 5 si jaden sumimangot naman si jaden natawa naman kami.



"Mauuna na ako jaden ha 'wag ka ng malungkot malapit mo na rin naman makuha ang una mong mission" sabi ko sakaniya, tumango na lang siya saakin.



"Sige na winter ako na ang bahala kay jaden" sabi ni rank 5 kaya napangiti ako.



"Huling paalam, jaden" sabi ko sakaniya at niyakap siyang muli.



"Anong huling paalam? Magkikita pa tayo diba? Hindi 'to ang huli" sabi niya saakin, tumango na lang ako upang sumang-ayon sakaniya.



"Paalam na winter" paalam ni rank 5 saakin nag paalam rin ako sakaniya.



Pumikit ako at inantay na ibagsak ako sa lupa napamulat ako sa mata ng naramdaman ko na bumagsak na ako at buti na lang binagsak ako ni rank 5 sa malambot na parte.



"Salamat at sa malambot na parte mo ako binagsak" sabi ko habang nakatingin sa langit.



Naglakad ako at hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta kailangan ko lang hanapin ang nag ngangalang Junhyo Jade Park medyo mahirap 'to kasi naman eh hindi ko alam mukha niya.



Ang mission ko nga pala ay mapabalik si junhyo sa panginoon bale mukhang mahirap hirap 'to kasi mukhang hindi na siya naniniwala na may panginoon.



Naglalakad lang ako at may narinig akong biglang ingay?



Beep* Beep*



Nabaling ang tingin ko sa tunog na iyun at bigla akong nagulat dahil muntik na akong masagasaan.



"Hoy kung mag papakamatay ka 'wag mo kong idamay nag dra-drive akong mabuti dito" biglang sabi nung tao na lumabas sa kotse niya.



"Paumanhin po" sabi ko at naglakad na muli nang mabilis.



Ganun pala ang itsura ng kotse sa malapitan maganda siya pero muntik na ako masagasaan nakikita ko lang 'yun dati sa langit dahil kay rank 5 diba nga tutok rin siya sa lupa pag wala si rank 2.



"Mag iingat ka winter hindi madali sa lupa" sabi bigla ng asa likod ko pag tingin ko si rank 2.



"Opo, mag iingat po ako paumanhin po" sabi ko sakaniya.



"Ito oh gamitin mo ito kung kailangan mo ng tulong ko" sabi niya at binigay ang pito ng nangangailangan tinanggap ko kaagad ito dahil ang pinaka ayaw ni rank 2 ay ang kukupad kupad.



"Salamat po" sabi ko sakaniya at lumipad na siya.



Mayroon akong pito ng nangangailangan bilang lang ang binibigyan ni rank 2 nito at nakakagulat dahil binigyan niya ako nito ang ganda ng pito ako at ang mga anghel lang ang nakakakita sa pito na ito at kami lang rin ang nakakarinig.



"Hoy!" May sumigaw kaya napatingin ako nakatingin siya saakin... Nakakatakot.



"Hindi ka taga-dito diba?" Tanong niya.



"O-opo" sagot ko.



"Hindi ka pala taga-dito edi lumayas ka alis dalian mo alis" pag papaalis niya saakin kaya tumakbo na lang ako dahil baka mapahamak pa ako.



Naglakad na lang muli ako at andito ako sa tagong parte naglakad lang ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.



"Ibigay mo saakin ang pera mo" biglang sabi nung tao sa likod ko at may naramdaman akong matulis na bagay sa likod ko.



"Bingi ka ba?! Ibigay mo saakin ngayon na!" Sigaw niya naiiyak na ako.



"W-wala a-akong p-pera" utal utal kong sabi dahil sa takot.



"wag mo akong pinagloloko ang ganda ganda ng suot mo imposible wala kang pera" sabi niya saakin naka puti lang naman ako na polo anong maganda doon?



"W-wala p-po t-talaga" sabi ko sakaniya nagulat ako nung nawala na ang matulis na nararamdaman ko at biglang may bumagsak sa likod ko kaya napatingin ako at nakita ko na lang siyang nakabagsak at may isa pang lalaki doon.



Tinignan niya lang ako at umalis na hindi ko alam ang nangyari ang bilis ng pangyayari nakita ko rin na may sapak 'yung tumulong saakin hindi ko siya napasalamatan dahil umalis na siya agad.



('∩。• ᵕ •。∩')

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon