11

6 0 0
                                    

tw // suicide.

D A N N Y  P O V


"Diba sinabi ko nga sa'yo na may pipiliin ka?" Tanong niya, tumango naman ako bilang sagot.



"Namatay ako sanggol pa lang ako hindi ko naranasan mabuhay o mapunta dito sa lupa hanggang isang araw binigyan ako ng mission sabi-sabi ng mga anghel na kapag namatay ka raw ng sanggol ka pa lang may kailangan ka ng pag pilian at ayun ay ang lupa o ang langit ayun ang sabi ng mga anghel hindi naman ako naniwala kasi impossible 'yun pero nung binaba na ako sa lupa ginawa ko na ang mission ko pero may kasalanan ako na dapat hindi nangyari ay ang nahulog sa isang mortal... tinapos ko ang mission ko dahil ayaw ko ng malaman niya na isang anghel ako natapos ko naman ang mission ko at nag antay sa mangyayari saakin nagulat ako ng bumaba si rank 1 at pinapili ako kung lupa ba daw o langit syempre ako nagulat akala ko sabi-sabi lang 'yun ng mga anghel hindi ko alam na mararanasan ko rin pala pinapili niya ako kung langit ba daw o lupa hindi ako makapili dahil may minahal na ako na mortal nahulog ako sa mortal pero natandaan ko na may kuya ako na anghel ayaw kong iwan ang kapatid ko kaya mas pinili ko ang maging anghel ngayon binabantayan ko na siya sa malayo" kwento niya saakin.



"Sino siya?" Tanong ko.



"Hindi mo naman siya kilala pero masaya na siya ngayon meron na siyang ibang mahal" sabi niya.



"Hindi naman siguro mangyayari saakin 'yan 'no?" Tanong ko.



"Mangyayari sa'yo 'to, ang totoong mission mo ay ang maramdaman mo ang lupa ibig kong sabihin maranasan mong tumira dito sa lupa para maging patas pag pinapili ka kung saan mo gusto lupa ba o langit oh diba atleast alam mo na kung ano meron sa lupa at kung ano meron sa langit" Sabi niya.



"Mas gugustuhin ko sa langit.." sabi ko na pabulong.



"Wag ka mag salita ng tapos" sabi niya at ngumiti.



"Pero kailangan mo pa din gawin 'yung mission mo pag tapos no'n doon ka na pipili" sabi niya.



"Tignan ko lang mortal ko ah, goodluck" sabi niya at umalis na.



Impossible na mangyari 'yun mas gugustuhin ko sa langit andoon ang kaibigan ko hindi ko kaya dumito wala pa akong masyadong kilala...



"Winter kailangan ko ng tulong mo dali!!" Biglang sabi ni angela kaya napabaling ako sakaniya.



"Ang mortal ko mag bibigti dalian mo!" sabi niya kaya kumaripas ako ng takbo.

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon