04

11 1 0
                                    

J U N H Y O  P O V


Hindi ako makatulog dahil sa lalaking 'yun ano ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako? Paano niya ako nahanap? Ano bang kailangan niya?



"Argghhh sino ka ba?!!" Sigaw ko.



Lumabas na lang ako sa kwarto ko at bumaba para kumain kasi hindi pa ako kumakain ayaw kong sumabay sakanila kumain kaya hindi ako kumain kanina.



Naghanap ako ng makakain sa kusina pero wala na hindi naman ako marunong mag luto ka-bwisit iinom na lang ako ng tubig.



"Gusto mo ba kumain?" May biglang nag salita sa likod ko kaya napatingin ako doon... siya pala.



"Ipagluluto kita" sabi pa niya, hindi na lang ako nagsalita kasi gusto ko na din kumain.



Umupo ako at pinanood siya habang nag luluto siya kung titignan mo ang mukha niya gwapo siya... Ang ganda ng mga mata niya... Mukha siyang... Anghel.



"Ahh ano ito na 'yung pagkain mo" sabi niya at nilapag 'yung niluto niya sa harap ko kumuha din siya ng tubig bago umupo sa tapat ko.



"Kumain ka na mukhang hindi ka pa kumakain eh" sabi niya kaya sinunod ko na lang siya.



"Salamat nga pala kanina alam kong ikaw 'yung tumulong sa'kin nung muntik na akong patayin" pagpapa-salamat niya.



Ang sarap ng luto niya pero naiirita na ako sakaniya ang ingay niya.



"Kumusta na 'yung luto ko?" Tanong niya saakin nung maubos ko na 'yung kinakain ko.



"Salamat, masarap siya" sabi ko sakaniya ngumiti naman siya at ang ganda ng mga mata niya pag ngumi-ngiti kasi siya nawawala mata niya haha cute.

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon