13

8 0 0
                                    

D A N N Y  P O V:


Andito na kami ngayon sa Jollibee na sinasabi ni Jm ang kinakain namin ngayon ay manok nagiging normal na rin ang lupa para saakin ang mga kinakain nila nagiging normal na saakin. Nakalimutan ko na kailangan ko pala pumili 'no... hahaha.



Pag tapos namin kumain bumalik na kami sa hacienda habang ako pumunta sa likod ng farm kung saan ang pwesto ko noon mukhang magiging tambayan ko na ito. Tumingin ako sa langit at nag dasal.



"Ama hindi ko po alam kung bakit ako na punta sa pwesto na ito hindi ko po alam kung bakit kailangan ko po mamili sa lupa o sa langit ama nalilito po ako hindi ko po alam kung ano ang pipiliin ko tulungan niyo po ako ama, amen."



Pag tapos ko mag dasal humiga ako sa buhangin at tumingin lang sa langit napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ko na may tumulo na tubig doon umiiyak na pala ako ngayon ko lang napansin...



Pumikit na lang ako at hinayaan ang sarili na umiyak napadilat ako ng may biglang humawak ng pisngi ko nagulat ako ng makita ko si Junhyo.



Napatayo ako bigla kaya nag ka ugtugan kaming dalawa napahawak ako sa noo ko dahil ang sakit ng pag untog ko sa kaniya.



Tinignan ko s'ya at mukhang malakas talaga ang untog namin sa isa't isa tumayo ako at nilapitan s'ya tinignan ko kaagad ang noo n'ya at namumula iyun.



"Pasensya." Pag hihingi ko ng tawad sakaniya.



Tumingin lang s'ya saakin at bigla n'ya akong niyakap hindi ko alam kung anong rason n'ya at bakit n'ya ginawa iyun pero niyakap ko s'ya pabalik dahil mukhang kailangan n'ya iyun.



Ako ang sumira ng yakap namin at tinignan uli ang noo n'ya hindi naman s'ya nag ka sugat pero namumula s'ya tinignan ko tuloy s'ya ng nag aalala.



"Okay lang ako, ikaw ba?" Tanong n'ya sabay alis ng kamay ko sa noo n'ya at hinawakan n'ya lang 'yun.



Napatingin ako sa kamay n'ya na nakahawak sa kamay ko napatingin din s'ya doon pero hindi n'ya binitawan ang kamay ko.

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon