02

18 1 0
                                    

D A N N Y P O V


Nakakita akong simbahan dito kakalakad buti naman gusto ko na mag dasal parang gusto ko na sumuko sa mission na 'to natatakot na ako sa mga mortal hindi ko alam kung ano pa kaya nilang gawin sa'kin hindi porke angel ako at kaya akong gamutin ng mga angel ay hindi na ako mag i-ingat.



Umupo ako sa pinaka-unahan at lumuhod para magdasal sa panginoon.



"Ama... bakit po ganto ang mga mortal? Akala ko mas gugustuhin ko rito akala ko mababait sila pero bakit po ganito? Bakit po? Alam kong hindi niyo po ito masasagot pero alam ko pong nakikinig kayo hindi ko pa po nau-umpisahan ang mission ko pero natatakot na po ako parang hindi ko po ito ka-kayanin tulungan niyo po sana ako ingatan niyo po ako kayo na po ang bahala sa'kin, amen" panalangin ko.



"Didito na lang ba ako?" Tanong ko sa sarili ko.



"P'wede ba dumito?" Tanong ko uli.



"Ah hi... Nakita kasi kita mukha kang frustrated and can I know why?" Biglang may nag tanong sa'kin nag sasalita siya ng english tulong po hindi po ako magaling mag english pero kaya natin 'to.



"Ano po wala po kasi ako matutuluyan kaya po ako nagkaka-ganito" sagot ko sakaniya napatango tango naman siya.



"Pinalayas ka ba sainyo? Kasi mukha kang mayaman eh" sabi niya, pati ba naman siya?? Hindi naman ako mayaman.



"Ah hindi po taga ano po taga bundok opo taga bundok po ako nagpunta po ako ng manila para ano po para mag trabaho tama para mag trabaho po hindi po ako mayaman" sabi ko sakaniya at ngumiti.



"Mukha kang anghel" sabi niya, nagulat naman ako nalaman niya bang anghel ako?? Paano 'to?? Bawal may makaalam nito.



"Hindi po ako anghel!! Nagsasabi po ako ng totoo hindi po ako anghel!!" Aligaga kong sabi sakaniya nagulat naman siya kasi napalakas boses ko.



"Ahh ang ibig kong sabihin mukha kang anghel dahil sa mga mata mo ang ganda tapos ang puti mo pa alam ko namang hindi ka talaga anghel mukha lang" sabi niya kaya nakahinga ako nang maayos.

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon