10

8 0 0
                                    

D A N N Y P O V


"Kyle..." Tawag ko sakaniya bago ako pumasok sa kwarto niya dito pa lang sa pinto rinig ko na kaagad ang hikbi niya.



"Hinahanap mo daw ako" doon siya napatingin saakin maga ang mga mata niya.



"Kuya..." Tawag niya saakin kaya sinara ko ang pinto at lumapit sakaniya.



Niyakap ko siya at hinagod ang likod niya ayaw niyang tumahan iyak lang siya nang iyak.



"Tungkol ba 'to kay sam?" Tanong ko sakaniya kahit alam ko naman na tungkol talaga 'to kay sam. Tumango siya kaya napahinga ako nang malalim.



"P'wede ka mag kwento saakin, makikinig ako." sabi ko sakaniya.



"Kuya matagal ko na siyang gusto siya nga ang dahilan kung bakit gusto ko doon tumira at siya din ang naging dahilan kung bakit ako umalis sa bahay niya. Kuya mali ba na mahalin siya? Mali ba kuya?"



"Hindi, normal lang na mag mahal ka ng tao nakita ko sa cellphone ko sabi na 'where there is love there is pain' bali parang mag kakambal ang pagmamahal at sakit kung may pagmamahal meron din na sakit hindi p'wede na puro saya lang kayo ayun ang impossible na mangyari sa buhay ang lagi maging masaya kasi hindi natin maiiwasan ang mga problema baka hindi talaga siya ang para sa'yo antayin mo ang ilalaan sa'yo ng ama at huwag sa magulong tadhana" sabi ko sakaniya.



"Nasubukan niyo na po ba mag mahal?" Hindi ko nga alam kung ano ang pagmamahal...



"Hindi" sagot ko sakaniya.



"Ano po ang pag-ibig para sainyo?" Tanong niya.



"Ang pag-ibig ay hindi lang puro kasiyahan. Ang pakikipagrelasyon ay isang responsibilidad na kailangan ng mataas na pasensya kailangan niyo ang isa't isa sa bawat problema at bawat pagsubok" ayun lang ang alam ko.

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon