15

6 0 0
                                    

tw // mentioned of suicide

J A D E N  P O V


Naiingit ako sakaniya naiingit ako sa lalaki na kasama ni Winter pinagdarasal ko na sana ako na lang 'yun na sana ako na lang ang kayakap n'ya sa malamig na gabi.



Ako ang nag ligtas sa lalaking 'yun dahil ayaw kong mawala ang taong nag papangiti kay Winter kung saan s'ya sasaya doon ako.



Andito ako ngayon sa lupa dahil sa unang mission ko hindi ko alam kung anong trip ni rank 2 wala na ba silang maisip na ibang mission bakit ito pa?



Kailangan kong sabihin ang nararamdaman ko kay Winter grabe mission ba 'to? Parang ayaw ko na umamin kasi alam ko ng talo na pero kailangan ko pa rin 'to gawin.



Sinusundan ko sila at nakita ko na pumasok 'yung lalaki doon sa bahay habang si Winter nandito pa sa labas sinundan ko s'ya kung saan s'ya pupunta.



Nakita ko s'ya na umupo sa buhangin at pinikit ang mata n'ya masaya s'ya kitang kita ang mga ngiti n'ya na abot tenga mukhang gusto n'ya na ang lalaking 'yun.



"Winter." Tawag ko sakaniya napatingin naman s'ya saakin at nanlaki ang mata.



"Jaden!" Sigaw n'ya sabay lapit saakin para yakapin ako.



"Kailan ka pa andito? Nakuha mo na mission mo?" Tanong n'ya saakin.



"Kakababa ko lang at oo nakuha ko na." Sabi ko sakaniya.



"Winter may sasabihin ako sa'yo." Sabi ko.



"Ano 'yun?" Tanong n'ya pinaupo ko s'ya at umupo ako sa tabi n'ya.



"Gusto kita." Umamin ako.. nakayanan ko.

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon