20

2 0 0
                                    

J U N H Y O  P O V

Nagising ako at tumingin sa paligid ko pinikit pikit ko pa ang mata ko dahil sa liwanag na tumama sa mga mata ko tumingin ako sa gilid ko ng may maramdaman akong mabigat doon.

Nakita ko si Kevin na natutulog napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito at may pumasok kita sa mukha ni Arthur ang gulat kaagad namang lumapit ito saakin.

"Okay ka na ba? May masakit pa ba sa'yo? Kailangan ko pa ba tawagin 'yung doctor?" Hindi ako makasagot sa mga tanong n'ya kasi sunod sunod ito.

Nakatingin lang s'ya saakin at nag aantay ng sagot. "Okay lang ako." Sagot ko sakaniya nakahinga naman s'ya ng maayos.

"Ang ingay n'yo naman puta—JUNHYO GISING KA NA!" Nagulat ako sa pag sigaw ni Kevin at bigla akong niyakap tinulak ko naman s'ya kasi hindi ako makahinga.

"Naalala mo ba ang nangyari?" Napatingin ako kay Arthur dahil sa tanong na 'yun napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito pumikit pikit pa ako dahil sa kumikirot ang ulo ko.

Kinabahan akong tumayo at tumakbo nakasunod sila Arthur saakin at may hawak s'yang ewan kung ano 'yun basta naka connect saakin.

Huminto ako sa tumingin sakanila. "Asaan si Danny?" Ayun agad ang tanong na lumabas sa mga bibig ko kinakabahan na kinakabahan ako dito.

"Sina David, Jm, Kyle at 'yung manliligaw ni David nag papahinga pa sila pero gising na si Kyle at Jm si David na lang ang tulog at 'yung manliligaw n'ya." Ayun ang sinagot ni Kevin saakin iniwasan nila ang tanong ko.

"Wag n'yong iwasan ang tanong ko! Asaan s'ya!?" Sumigaw na ako sakanila dahil kinakabahan na ako kung asaan si Danny alam kong hindi n'ya ako iiwan naniniwala ako roon.

"Asa icu pa s'ya malala ang tama sakaniya dahil tumama ang ulo n'ya sa may puno kaya maraming possible na mangyari." Ayun ang sinagot ni Arthur saakin at nag aalangin pa s'ya sagutin iyun halata sakaniya ang kaba.

"Saan ang icu?" Mahinahon kong tanong sakanila nagsimula naman silang maglakad kaya sinundan ko na lang sila pag punta namin doon nakita ko sina Sam at Maiko na nakaupo doon sa gilid.

Biglang napatayo sina Sam at Maiko ng makita nila ako. "Kumusta ka na?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Sam at lumapit sa may pintuan.

Nakita ko s'ya na nakahiga sa puting kama at nag aagaw buhay nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig lumapit naman sila kaagad saakin.

"Anong sabi ng doctor?" Tanong ko sakanila ng maging mahinahon na ako, napatingin sila saakin at hindi alam kung sino ang sasagot pero si Arthur ang nag salita sakanila.

"May ginawa silang test kay Danny at madaming possible na mangyari tulad ng hindi s'ya magising o kaya magising s'ya pero wala s'yang matatandaan." Paliwanag n'ya saakin.

"Dahil sa ulo mismo ang kay Danny kaya mas delikado s'ya si David kinailangan dalhin sa OR dahil may nasaksak sakaniya at kailangan nila tanggalin 'yun si Kyle at Jm hindi sila masyado nasaktan dahil humarang sina Jaden at David sakanila kaya sina Jaden at David ang delikado rin ngayon pero okay na raw sila need na lang gumising." Nanghina ako lalo sa mga sinasabi ni Arthur saakin.

"Ikaw maswerte ka dahil hindi malakas ang impact sa pag untog mo kaya minor accident lang ang narating mo pero 'yung kay Danny, David at Jaden major accident ang kanila si Jaden natusok din s'ya tulad ng kay David si Danny sobrang lakas daw ng pagkauntog sakaniya."

"Aalis muna ako." Hindi ko na sila inantay sumagot at tumayo na kaagad naglakad lakad lang ako sa hospital habang hawak ang dextrose ko.

Napahinto ako sa tapat ng church ng hospital hindi na ako nag dalawang isip at pumasok na roon umupo ako sa may pinakaharapan at tinignan lang asa harapan ko.

Pumikit ako at nagsimula ng magdasal. "Lalapit nanaman po ako sakainyo katulad ng nangyari sa lolo ko ito nanaman po ako hihingi ng tulong sainyo hindi na ako naniniwala na mayroong diyos dahil sa nangyari sa lolo ko hindi n'yo dininig ang dalangin ko hindi n'yo tinulungan ang lolo ko pero ngayon nandito nanaman po ako sabi ko hindi na po ako maniniwala sainyo pero andito ako ngayon nakaupo at nag dadasal. S'ya na lang po ang mayroon ako s'ya na lang ang naniniwala saakin p'wede po bang 'wag n'yo po muna s'yang kunin? S'ya na lang po ang natitirang tao na tumulong saakin p'wede n'yo po ba s'ya gisingin? Kahit wala po s'yang maalala magising lang po s'ya.. tulungan n'yo po ako nagmamakaawa po ako.. nagmamakaawa po ako tulungan n'yo po ako gisingin n'yo po s'ya parang awa n'yo na po sainyo na lang po ako naniniwala na makakatulong saakin kayo na lang po... tulungan n'yo po ako nagmamakaawa po ako t-tulungan n-n'yo p-po a-ako parang a-awa po ama tulungan n'yo ako parang awa po." Dumilat ako at pinunasan ang mga luha ko.

Tinignan ko lang ang asa harapan ko hindi ako umalis dito hindi ako aalis dito hangga't hindi s'ya nagigising kaya sana magising na s'ya. Alam kong lalaban s'ya alam kong hindi n'ya ako iiwan alam ko 'yun.

"Junhyo junhyo!" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Arthur na naghahabol ng hininga tumayo ako at lumapit sakaniya.

"Si Danny... Junhyo si Danny!!" Kinabahan ako sa mga sinabi n'ya kaya tumakbo ako agad pabalik doon sa icu nakit ko ang mga doctor na nagkakagulo doon.

Napahinto ako sa pagtakbo nakita ko s'ya na nililigtas ng mga doctor napaluhod ako at ang simula nanamang lumabas ang mga luha ko.

Hindi p'wede 'to natatakot ako ayaw ko na dito ayaw ko ng makita 'to natatakot ako hindi n'ya ako iiwan alam kong lalaban s'ya.

Napatingin ako sa gilid ko ng may maramdaman akong may yumakap saakin hindi ako makahinga ng maayos nahihirapan ako huminga.

Napahawak ako kay Sam at nag hahabol ng hininga tinawag ako ni Kevin ayun na lang ang narinig ko at nandilim na ang mga paningin ko.

(´∩。• ᵕ •。∩')

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon