18

7 0 0
                                    

D A N N Y  P O V

Andito kami ngayon sa rooftop nila sabi n'ya eh hindi ko nga alam na may ganto edi sana dito na ako tumatambay at hindi na sa may dalampasigan.

Naka-upo lang kami katabi ko s'ya nakatingin s'ya sa mga butuin ngayon ko lang napansin na ang ganda ng mga mata n'ya pero puno ng lungkot.

"Wag mo akong iiwan, hm?" Nagtaka ako sa sinabi n'ya hindi ko alam kung sino ang kausap n'ya dahil nakatingin pa rin s'ya sa mga butuin tumingin ako kung saan s'ya nakatingin pero wala namang tao doon?

"Danny, p'wede ka bang mangako?" Tinanguan ko ang tanong n'ya kahit kinakabahan ako sa gusto n'ya na ipangako saakin.

"P'wede bang 'wag mo kong iwan?" Nag taka ako sa sinasabi n'ya hindi ko s'ya maintindihan.

"Pangako." Ayun na lang ang sinagot ko kahit nalilito ako sakaniya hindi ko alam kung anong ibig n'yang sabihin.

"Ikaw na lang.. ikaw na lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon." Hindi ko alam kung dapat ba ako maging masaya o matakot sa mga sinasabi n'ya eh.

"Gaya ng mga butuin ikaw ang naging liwanag sa madilim kong mundo." Tumingin s'ya sa mga butuin pag katapos n'yang sambitin iyun.

"Sana hindi ka mawala gaya ng mga butuin na kahit saan man ako mag punta andya-dyaan sila." Napatingin din ako sa mga butuin habang sinasambit n'ya ang mga salitang iyun.

"Sila ang nag silbing liwanag sa madilim na gabi pag wala sila hindi mo makikita ang tamang daan kung saan ka ba dapat pumunta para kang butuin ikaw ang dahilan kung bakit ako napupunta sa tamang daan danny." Tumingin s'ya saakin kaya napatingin din ako sakaniya kita ko sa mga mata n'ya na masaya s'ya pero may lungkot pa rin doon.

"Ikaw ang bumago sa buhay kong kay dilim ikaw ang nag bigay liwanag dito." Ngumiti s'ya saakin at muling tumingin sa mga butuin.

"Kaya 'wag mo akong iiwan hindi ko na alam kung saan ako mapupunta." Nilagay n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko at pinikit ang mga mata n'ya.

"Mahal na kita, danny." Nanlaki ang mata ko sa huli n'yang sinambit hindi ko maintindihan ang puso ko ang lakas ng kabog kung 'yung rooftop ay tahimik p'wes ang puso ko hindi kanina pa s'ya kabog nang kabog!! Tulong!!

Sabi nila na wala raw nararamdaman ang mga anghel pero ano 'tong nararamdaman ko? Hindi 'to p'wede diba? Pero hindi ko kayang pigilan 'to.

Mahal ko na rin ba s'ya? Kaya ko bang isuko ang pagiging anghel ko para lang sakaniya? Hindi ko na alam nung mga nakaraang araw nag tataka na rin ako sa mga nangyayari sa katawan ko para na akong nagiging tao pero hindi pa naman ako pumipili.

Tumingin ako sakaniya ng maramdaman kong bumigat na ang ulo n'ya sa balikat ko nakatulog na pala s'ya hindi ko alam kung seryoso s'ya sa sinabi n'ya na mahal n'ya na ako.

Buti na lang may nilatag s'yang higaan dito sa rooftop para sana sa uupuan lang namin mukhang dito na kami matutulog bakit kami? Kasi nakayakap din s'ya saakin.

Tinanggal ko ang yakap n'ya saakin at hiniga s'ya doon sa may higaan tatayo sana ako para ayusin 'yung kumot ng hatakin n'ya ako.

Ang pwesto namin ngayon nasa likod ko s'ya nakayakap s'ya saakin ramdam ko ang pag hinga n'ya sa batok ko nakakakiliti ako huhuhu.

"Aayusin ko lang 'yung kumot baka lamukin tayo." Sabi ko sakaniya pinakawalan n'ya naman ako kaya tumayo ako at inayos ang kumot.

Kinumutan ko s'ya at humiga na ako sa tabi n'ya isa lang kumot dito kaya hati na kami. Nagulat ako ng bigla n'ya akong yakapin iba ang pwesto namin ngayon.

Nakaharap ako sakaniya kaya nung pagyakap n'ya saakin nauntog ako sa dibdib n'ya nakayakap lang s'ya saakin maayos naman saakin ang pwesto na ito hindi naman mahirap.

Natulog na rin ako kasi pikit na ako nang pikit ayaw ko naman pilitin na magising ako kasi wala naman akong gagawin kaya natulog na lang ako.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw umupo ako at tinignan ang paligid asa kwarto na ako hindi ko alam kung paano ako napunta dito at hindi ko 'to kwarto.

Kwarto 'to ni Junhyo anong ginagawa ko dito? Binuhat n'ya ba ako? Hala nakakahiya!! Ang bigat ko pa naman tapos bubuhatin n'ya ako. ㅠㅠ

"Gising ka na pala." Napalingon ako sa pinto at nakita ko s'ya doon lumapit s'ya saakin at nilapag ang hawak n'yang pagkain doon sa lamesa sa tabi ng kama.

"You should eat na aalis na tayo ngayon." Nagtaka ako sa sinabi n'yang aalis ano bang araw ngayon?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang araw sabado pala ngayon. Ngayon pala 'yung bakasyon nila 'no?

"Hey, tama na 'yan kumain kana." Kinuha n'ya ang cellphone ko at s'ya ang gumamit no'n.

"Kumain kana?" Napalingon s'ya saakin dahil sa tanong ko.

"Opo, sorry gutom na talaga ako eh." Ngumuso s'ya pagtapos n'ya sabihin 'yun mukha tuloy s'yang bata HAHA.

"Mabuti naman." Ngumiti ako sakaniya at nag umpisa na kumain.

"You want this?" Napatingin ako sa cellphone ko ng binigay n'ya saakin 'yun.

'Yung pinakita n'ya saakin 'yung damit na nakita ko sa online asa wishlist ko 'yun marunong na rin ako mag online shopping dahil kay jm tinuruan n'ya ako.

"Mm, pag iipunan ko muna." Sagot ko sakaniya at pinag patuloy ang pagkain ko.

"No, I'll buy it na." Napalingon ako sakaniya ng mabilis ng sabihin n'ya 'yun.

"Aba hoy! 'wag mo ngang gastusin ang pera mo saakin." Tumawa lang s'ya sa sinabi ko at hinawakan ang ulo ko

"I want to spoil you eh." Ginulo n'ya ang buhok ko pag sabi n'ya no'n.

"Tumigil ka junhyo." Ayun ang sinabi ko sakaniya at inubos ko na ang pagkain ko.

"Please just this one please.." Napalingon ako sakaniya dahil sa pag pipilit n'ya.

"Sige na nga." Ayun na lang ang sinabi ko kasi mukhang iiyak na s'ya.

"Okay, done." Binigay n'ya ang cellphone ko saakin at tumayo s'ya.

"Oy! Ako na d'yan." Sabi ko at inagaw sakaniya 'yung plato ko.

"Ako na maligo ka na aalis na tayo." Sabi n'ya at tumakbo palabas sa kwarto n'ya.

"Iba na 'to nakangiti na s'ya." Biglang may nag salita sa likod ko kaya napatingin ako doon si angela pala.

Ngumiti s'ya saakin at biglang nawala mukhang sinundan na si Junhyo. Lumabas ako ng kwarto ni Junhyo at pumunta sa kwarto ko para mag ayos.

('∩。• ᵕ •。∩')

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon