epilogue

4 0 0
                                    

J U N H Y O  P O V

"Oh saan ka pupunta?" Ayun agad ang bungad na tanong ni David saakin pag baba ko ng hagdan tumingin s'ya sa hawak ko at sabay tumango tango.

"Punta ka sementeryo? Kaya mo na ba?" Nginitian ko s'ya para sabihin na kaya ko na ngumiti rin s'ya saakin at lumapit saakin para yakapin ako.

"Proud ako sa'yo." Niyakap ko s'ya pabalik at bumulong sakaniya na 'salamat' ako na ang sumira ng yakap namin dahil ayaw ko ng umiyak.

"Asaan na nga pala asawa mo?" Pag iiba ko ng usapan bigla naman syang bumusangot saakin mukhang nagkatampuhan nanaman sila ni Jaden.

"Ayusin n'yo 'yan dalawa mauna na ako." Ginulo ko muna ang buhok n'ya bago tumakbo palabas. Ang dami nangyari saamin pag tapos nung aksidente na nangyari.

Isang taon na rin simula mangyari ang aksidente andami ring nakapansin na nag iba na rin daw ugali ko naging makulit na raw ako.

"Saan ang punta mo?" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Kevin na nakangisi roon hindi n'ya ba alam na mukha s'yang tanga?

"Sementeryo." Maikli kong sagot sakaniya pero kita sa mukha n'ya ang gulat na may halo ng saya bigla s'yang yumakap saakin at umiyak pa nga.

"Kaya mo na ba?" Sinira n'ya ang yakap namin at tinanong 'yun saakin tinanguan ko naman s'ya at ngumiti s'ya naman umiiyak na parang ewan.

"Gusto mo ba samahan kita?" Tanong n'ya saakin agad naman akong umiling sa request n'ya jusmiyo lahat na isama n'yo 'wag lang 'to.

"Para namang may gagawin akong kalokohan ang bilis umiling." Tinawanan ko s'ya sa sinabi n'ya kasi alam konh may gagawin talaga s'yang kalokohan.

"Mauuna na ako bahala ka d'yan." Tumakbo na ako papuntang kotse ko at sumakay na roon nakita ko pa s'ya na tumatawa doon kaya natawa rin ako sakaniya.

Nag drive ako papuntang sementeryo hininto ko ang kotse ko nang makarating na ako. Bumaba ako at kinuha ang bulaklak na dala ko.

Nag lakad ako at pumunta sa puntod n'ya ang puntod ng pinakamamahal kong tao ang tao na naniwala saakin at ang naging kakampi ko.

Umupo ako sa damuhan at nilagay ang bulaklak sa tabi ng lapida n'ya at sinindihan ko din ang kandila na dala ko rin tinitigan ko lang ang pangalan n'ya at ngumiti.

"Musta na po?" Tanong ko sakaniya nagulat naman ako ng may maramdaman akong yumakap sa likod ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Hello po lo!" Masigla n'yang bati kay lolo napangiti naman ako sakaniya.

"Andito na po ang apo n'yo dati ako lang po ang bumaba ng kotse pag bumibisita dito tignan n'yo po ngayon iniwan ako sa bahay hindi man lang po sinabi na bibisitahin kayo apaka salbahe." Natawa ako sa sinasabi ni Danny sa lolo ko.

"Pero proud na proud po ako sa apo n'yo ang laki na po ng pinag bago baka ako po ang dahilan n'yan." Binatukan ko s'ya sa sinabi n'ya nagiging mayabang eh.

"Ay nakita mo 'yun lo? Binatukan ako." Sumbong n'ya kay lolo kaya natawa ako sakaniya. "Buang." Ayun ang sabi ko sakaniya natawa naman s'ya saakin.

"Lolo sorry ngayon lang naka bisita ha? Nag papagaling pa kasi ang iyong apo sinisisi ko pa rin po kasi ang sarili ko sa nangyari sainyo pero ngayon lo alam ko na pong hindi ko kasalanan magaling na po ang apo n'yo." Nakatingin lang ako sa lapida n'ya habang sinasabi 'yun.

Nang makalabas kami sa hospital no'n lumapit na rin ako sa isang psychologist para mag pagamot dahil sa bumabagabag saakin takot na takot ako noon pero okay na ako ngayon.

Sinisisi ko ang sarili ko noon dahil wala ako sa tabi ni lolo nung magkasakit s'ya wala ako no'n pero andoon ako nung naagaw buhay na s'ya namatay s'ya sa harap ko habang nililigtas s'ya ng mga doctor iyak lang ako nang iyak hanggang sa i-announce na nila ang pagkamatay ng lolo ko doon ko sinisi ang sarili ko.

"Lo papakasalan ko na rin 'to oh." Niyakap ko si Danny at ngumiti naman s'ya tinarayan pa ako kaya natawa kaming dalawa.

"Lo pag inaway ako ng apo n'yo multuhin n'yo po ah." Binatukan ko s'ya uli dahil sa sinabi s'ya naman 'tong tawa nang tawa mawawalan na s'ya ng hininga kakatawa.

"Oh tubig." Inabot ko ang tubig sakaniya ng mag hingal hingal na s'ya dahil sa katatawa napangiti naman ako dahil nung nag agaw buhay s'ya noon naligtas s'ya ng mga doctor.

"Grabe naman po kayo makatitig cush n'yo nanaman po ako tsk tsk." Natawa na lang ako sa confidence n'ya 'yan ang hilig n'ya eh ang asarin ako.

Nakulong na rin 'yung tatay ko dahil s'ya ang may pakana na sagasaan kami ng truck s'ya ang nag plano no'n lahat dahil gusto n'ya makuha ang pinamana saakin ni lolo pero hindi s'ya nag tagumpay sa gusto n'ya.

"Mahal na mahal kita." Nagulat s'ya sa sinabi ko pero napalitan din 'yun ng ngiti at niyakap n'ya ako niyakap ko naman s'ya pabalik at hinawakan ang mukha.

"Mahal na mahal din kita." Sabi n'ya saakin at hinalikan ako sa pisngi ayaw n'ya talaga mawala 1st kiss n'ya gusto n'ya raw sa kasal na 'yun.

"Cute." Ngumisi s'ya sinabi ko at malamang yayabang nanaman 'to.

"Idol mo nanaman ako." Sabi na nga ba eh nakasanayan na n'ya maging confidence amputek hindi nauubusan ng confidence.

"Poging pogi ka talaga sa sarili mo 'no?" Tinawanan n'ya lang ako kaya binatukan ko nanaman s'ya.

"Ito ang hilig mo mang batok buti na lang talaga magaan lang 'yang kamay mo kung mabigat 'yan malamang hindi na kita sasagutin." Tinawanan ko s'ya sa sinabi n'ya at sabay niyakap s'ya.

"Nga pala sino nag babantay kay wayde?" Tanong ko sakaniya  sumeryoso naman 'yung mukha n'ya at umupo ng maayos mukhang kinakabahan eh.

"Binilin ko s'ya kay Kevin?" Anak ng pucha.

"Ba't kanya pa?" Kaagad kong react sa sinabi n'ya.

"Eh kasi nag mamadali ako no'n ibibilinan ko sana kay David eh kaso wala sa bahay si Kevin lang asa sala kaya sinabi ko sakaniya na bantayan n'ya si wayde." Tumayo ako kaagad at sinundan n'ya naman ako.

"Lo una na po muna kami ha asa panganib po anak namin." Tumakbo ako sa kotse nakasunod naman si Danny saakin pinagbuksan ko s'ya ng pinto at sumakay s'ya doon.

"Hayst jusme pag nawala nanaman ni Kevin 'yan si wayde s'ya gagawin kong aso." Sabi ko at sinimulan ng mag drive.

End

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon