14

5 0 0
                                    

tw // abuse, suicide.

J U N H Y O P O V


Andito ako ngayon sa bahay namin sa bahay ng pamilya ko hindi ko alam kung tama ba na tawagin ko silang pamilya kasi hindi ko naman naramdaman ang pagmamahal nila.



Andito ako sa sala andito rin 'yung mga kapatid ko gitna ako tatlo kaming mag kakapatid at ako ang lugi kasi 'yung dalawa lang 'yung paborito.



"Himala hindi ka pa patay." Sabi ng nanay ko, sana nga wala na ako eh.



Tumingin 'yung bunso kong kapatid saakin na parang nag aalala hahaha 'wag mo kong tignan ng ganyan hindi kapani-paniwala.



"Ano bang kailangan n'yo?" Tanong ko sakanila.



"Aba matapang kana ah tandaan mo wala na lolo mo dito wala ka ng taga pagtanggol." Sabi ng tatay ko.



"So?" Sabi ko sakaniya kaya bigla s'yang lumapit at sinapak ako.



"Bastos ka ah!" Sabi n'ya.



"Hindi naman ako nakahubad, paanong bastos ako?" Tanong ko sakaniya kaya nakatanggap nanaman ako ng isa pang sapak.



"Pinalaki ba kitang ganyan?!" Tanong n'ya.



"Pinalaki n'yo pala ako?" Tanong kong pabalik sakaniya kitang kita sa mukha n'ya ang pag ka pikon ako dito walang pakialam.



"Hayop ka! Tandaan mo ikaw ang pumatay sa lolo mo!" Sigaw n'ya saakin doon ako nainis kaya sinapak ko s'ya.



"Ikaw ang pumatay sa sarili mong ama! Bakit!? Kasi gusto mo makuha ang yaman n'ya!" Sabi ko.

angel first mission ⁀➷˳ 𝐬𝐮𝐤𝐡𝐨𝐨𝐧 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon