CHAPTER TWO

612 37 0
                                    


"Did you see the daughter of Count, Belron?."
"Yes, maganda sana ang batang iyon kung hindi lang hampas lupa ang kanyang ina."
"Di talaga ako makapaniwal na nag pakasal ulit si Count,Belron at sa isang commoner pa."
"Sayang naman."

Saglit na seryoso akong tumingin sa gilid ko at kita ko ang mga kababaihan na mukhang pinapag usapan si Farabela, na tahimik na nakaupo malayo sakanila.

Halata naman na pinapag usapan nila si Farabela dahil sa mga mata nilang mapanuri.

Ito ang dahilan kung bakit ayoko mag karoon ng kagarbong kaarawan pero wala akong magagawa dahil nag iisang anak lang ako ni Duke, Winstone.

Hayst...kawawa naman pala si Farabela, nung una naiinis ako sakanilang dalawa ng male lead pero sa nakikita ko ngayon, feeling ko deserve nya yung happy ending, pero!!! Di deserve ng mga poging side character ang mawala para matuloy ang happy ending ng dalawa!!!.

Kaya nag plano akong panoodin nalang ang takbo ng kwento at di na makisali bilang bully ni Farabela..bait ko talaga,hehehehe pati gumagawa na den ako ng paraan sa utak ko para makilala ko at makita ng harap harapan ang mga crush kong side character!!!.

Omegheddd!!!!

Anyway anong oras na ba? Malapit naba mag 8:00?.

Sinusundan ko ng tingin si Farabela mula dito sa table ng mga pagkain, ang tagal naman kasi nyang tumayo at pumunta sa garden namin kaya kumakain na muna ako habang hinihintay ang susunod nyang gagawin.

Na cu-curios kasi ako sa mukha ng Male Lead. Kasi ang sabi sa libro, may mga berdeng mata ito, mapupulang labi,pienge at kulay abo na buhok, pati mukha daw itong matured para sa 10 years old na bata.

And! sya ang susunod sa trono ng hari, bale tawag sakanya ay crowned Prince..lahat ng features nya ay nakuha nya sa Hari kaya yung iba ay tawag sakanya ay Mini King Robert. Kaya na cucurios ako sa mukha nya!!!! Feeling ko sobrang pogi nun!.

"Ayan na!." Excited na bulong ko ng makita ko ang malungkot na mukha ni Farabela. Tumayo ito sa upuan nya at nag simulang mag lakad papalabas ng Ballroom.

Gusto ko man syang i console kaso bawal ko sirain ang first meeting nila ng Crowned Prince, dahil ayun ang pinaka unang kinahihintay kong pangyayari sa libro na gusto ko makita gamit ang sarili kong mga mata!!!.

"Sooo excited~." Pakantang sabi ko at sinundan na si Farabela papalabas ng Ballroom. Habang sinusundan ko sya ay tumitingin din ako sa gilid gilid ko, baka kasi biglang sumulpot ang Crowned Prince.

Pero di pala ang Crowned Prince ang sumulpot kundi ang magaling kong Ama.

"Anong ginagawa mo dito Anaia? Diba dapat nasa loob ka ng Ballroom? Tumatakas ka nanaman ba?." Madaming tanong ng tatay kong naka pameywang sa harap ko.

Shet! Bakit ngayon pa?. Pati bakit ang dami nyang tanong.

Ngumiti naman ako dito na parang inosenteng bata pero nauwi sa ngiwi nang samaan ako nito ng tingin.

"Ehehehe Papà, uhmm...ang dami kasing tao doon kaya dito na muna ako sa labas para mag pahangin...Whoa! Napagod ako sa kakabati sa mga bisita nyo." Sabay pay pay ko sa sarili ko para mas mukhang convincing na napagod ako.

Pero mukhang di convincing yung drama ko.
Huhuhu...mamaya mo na ako pagalitan Papà! Baka di ko mapanood ang pag kikita nila!!!.

"Anak, pang ilang beses mo na yang idinahilan samin ng Mamà mo. Ramdam namin na di mo gusto ang ganitong handaan pero wala tayong magagawa dahil kilala ang pamilya natin... Hay sige bilisan mo mag pahangin at bumalik ka agad sa loob."Sabi nito at hinalikan ako sa noo.

La Señora: Changes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon