CHAPTER FOURTEEN

292 24 7
                                    

Napataas ang kilay ko na mas mataas pa ata kesa sa mountain Everest.Tsk...mas maganda pa ako kesa sakanilang lahat eh. Mas lamang ako ng sampung milyong ligo. Umirap ako sa hangin at napailing sa sarili.

Ha! Bakit ko ba ipinapag kumpara ang sarili ko sa mga babaeng yun?. Pero...pag sumasagi sa isip ko na may natitipuhan si Skye sa mga babaeng yun. Bakit parang naiinis ako?.

Tsk..pake ko ba kung sino sakanila ang natitipuhan nya. Edi sila na!. Madami namang poging side character ang nabubuhay dito eh.

Muling kong ibinalik ang mga mata ko sa pwesto ni Skye at sa laking gulat ko ay nakatingin din pala sya sakin. Kahit seryoso ang mukha nya, ang mga mata nya naman ay nanghihingi ng tulong na ikinatawa ko nang mahina.

Umiwas ako ng tingin at nag maang- maangan na parang wala akong nakita. Tsk, bahala ka dyan. Ginusto mo yan eh, ibinaba mo pa kasi yang balabal mong hayup ka.

"Di ako sigurado Farabela. Malay ko ba kung babae o lalaki ang tipo nya." Sabay tawa ko. Tumango naman si Farabela at buong tuwa nyang pinanood ang dalawang lalaki.

Ilang saglit pa ay mas lalong dumami ang mga taong pumupunta dito gitna ng kapitolyo kaya sobrang lapit na ni Farabela saken na akala mo'y binabantayan ako na para bang bata ako na mawawala nalang bigla.

Si Skye at Cyrus naman ay pilit na dumadaan sa mga binibining nakapalibot sakanila. Famous yarn?.

"Lady Anaia. Di nyo po ba susuotin ang koronang bulaklak? Lahat ng tao ay isinu-suot na ito." Bulong ni Farabela sakin.

Tinignan ko saglet ang koronang gawa sa bulaklak bago umiling. "Di ko ito masusuot dahil di ko pwedeng tanggalin ang balabal na nag tatago sa aking buhok." Sagot ko dito.

Gusto ko mang tanggalin ang balabal na nag tatago ng ulo at mukha ko para maisuot ang koronang bulaklak, di ko naman pwedeng gawin iyon.

Masyadong kapansin pansin ang kulay ng aking buhok. Dahil ang pamilyang Winstone lang ang may roong pulang buhok dito sa kaharian. Bale special features ng Winstone family ang pulang buhok dahilan para mas makilala ang pamilya nila.

"Oo nga pala. Pasensya na Lady Anaia." Malungkot nitong sabi. Bago pa ako mag salita ay kinuha nito sa kamay ko ang koronang bulaklak at inilagay ito sa ibabaw ng ulo ko kahit na nakasuot ako ng balabal.

Ngumiti ng maliwanag si Farabela at nag taas ng dalawang hinlalaki.
"Ayan. Dahil di mo po pwedeng tanggalin ang balabal, edi sa ibabaw nalang ng balabal ilagay. Wag kang mag alala Lady Anaia, maganda ka paden at sisiguraduhin kong magiging masaya para sayo ang gabing ito." Masigla nyang sabi at nag taas pa ng kamao na parang diterminado sya.

Napatawa naman ako ng mahina at ngumiti kay Farabela. "Salamat!! Alam ko namang maganda ako. Di mo na kailangan pang sabihin." Natatawang biro ko at ikinawit ang kamay ko sa braso nya. "Maganda tayong dalawa at di na kailangan pang sabihin iyon ng iba." Dagdag ko pa at masaya naming pinanood ang mga taong nag kakasiyahan.

Lahat ng mga babaeng naan dito ay nakasuot ng iba't ibang kulay ng koronang bulaklak. Mapa bata man o matanda, nakasuot sila at nag tatawanan.

Habang ang mga lalaki naman ay may hawak hawak na iba't ibang kulay ng rosas.

Ang sabi sakin ni Farabela kanina, papaligiran naming mga dalaga ang rebulto ng hari at pag nag umpisa na ang tugtog, doon na mamimili ang mga lalaki kung sino ang kanilang isasayaw hanggang sa matapos ang unang kanta.

Kinakabahan ako ng slight lang dahil baka pag kaharap ko ay walang lalaking gusto akong isayaw dahil di naman nila nakikita ang mukha ko o likod dahil nakabalabal ako.

Pero keri ko to! Kaya ko to! Para naman maka experience ako ng pag sayaw at makakilala den ng ibang tao.

Napunta ang atensyon naming dalawa ni Farabela kay Milla nang sumenyas ito samin na mag uumpisa na.

La Señora: Changes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon