CHAPTER TEN

305 24 3
                                    

Pag kalapit ko sa upuan ay umupo agad ako at ipinatong ang pagkain ko sa gilid. Napa angat ako ng tingin ng makalapit na si Cyrus.

"Lady Anaia. Wag kayong tumakbo ng ganun, baka madapa kayo." Medyo pagalit nito kaya naman bumungisngis lang ako na parang bata.

"Hehehehe. Peace tayo! Gutom na kasi ako pati ayokong lumamig ang pagkain, di na masarap 'to pag malamig." Sabi ko at tinapik tapik nalang ang bakanteng space sa tabi ko.

Parang pancit canton lang, ang dali  lumamig....katulad ng chat nya sayo. Joke!

Umupo sya doon at nag simula na kaming kumain. Habang kumakain ay pinapanood ko ang mga taong dumaan sa harapan namin.

Yung iba ay napapalingon pa muli at ang iba naman ay talagang walang habas na tumititig kay Cyrus. Nakababa kasi yung hood ng balabal nya kaya kitang kita ang kapogian ng pag mu-mukha nya.

Lumingon ako kay Cyrus na mukhang walang pake sa mga taong tumititig sakanya. Patuloy lang sya sa pag kain ng sweet potato. Unbothered king ang peg.

"Di kaba na iilang sa mga binibigay nilang tingin?." Wala sa sarili kong tanong. Tumigil ito sa pag nguya, nilunok nya muna iyon bago mag salita.

"Hindi naman. Sanay na ako Lady Anaia." Sagot nya kaya naman tumango nalang ako at sumubo na ulit.  Uhmm~ ang sarap! Sobrang sarap!!~.

Habang ngumunguya ay ini-esway ko ang dalawa kong paa na di umaabot sa sahig. A-aminin ko na di ako biniyayaan ng katangkadan. Parang hanggang dibdib nga lang ako ni Skye at Cyrus eh. Pero okay lang, at least maganda naman ako. Hehehehhe.

"Kayo Lady Anaia? Di ka ba naiilang na makihalubilo sa mga tao dito?." Biglang tanong ni Cyrus.

Ngumiti naman ako. "Hindi, bakit mo natanong?." Sabay lingon ko sakanya.

Tumingin sya saglit sakin bago tignan ang mga batang nag hahabulan. Isa sa mga bata ang nadapa kaya pinigilan ko ang pag tawa. Tumayo muli ang bata at tumakbo na parang walang nangyari.

Kasama yan sa paglaki bata...Walang nakakita! Pft....HAHAHAHHAHAHAHHA

"Dahil anak ka ng isa sa mga kilalang tao. Halos tumumbas ang antas ng dugo mo sa Royal Family. Sa totoo lang Lady Anaia, ng mag padala sakin ng sulat si Duchess- Winstone ay di pa ako naniniwala na pupunta ka dito sa kapitolyo para lang makipag saya sa mga tao dito. Akala ko ay isa kang maarte at mapag mataas na babae katulad ng ibang kababaihang mataas ang estado sa buhay."

Napanganga naman ako dahil sa sinabi nito. Wow. Grabe naman pala ang first impression nya sakin. Mag sasalita na sana ako ng mag salita sya muli.

"Pero nag kamali ako. Ako'y humihingi ng kapatawaran dahil sa aking sinabi. Lady Anaia." Sabi nito sabay bow sakin. Ngumiti lang ako.

Di naman sya mali dahil ganun naman talaga ang first impression ng mga tao sakin. I mean sino ba ang hindi magiging mayabang kung kilala sa buong mundo ang pangalan mo, mayaman ka at nakukuha mo ang lahat sa isang pitik ng daliri.

Pero iba talaga kasi ang paniniwala ko sa buhay. Ayoko maging mayabang o mapag mataas na babae katulad ng Anaia na nasa kwento, dahil ayun ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Pati di ako iyon eh.

Gusto kong maging ako kahit na hindi sa akin ang katawan na ito at ang buhay na ito. Ipinag katiwala naman sakin ng may ari kaya aalagaan ko 'to at the same time ay magiging tapat ako sa sarili ko.

"Ayos lang saken Cyrus. Lahat naman ata ng tao ay ganyan din ang iisipin dahil ipinanganak ako sa kilalang pamilya." Sabi ko sabay tawa.

Maliban nalang sa mga nag tra-trabaho sa residente namin. Hihihihihi.

La Señora: Changes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon