CHAPTER SIXTEEN

294 25 7
                                    

"Kapagod Freya! Ilang halaman pa'ba ang hahanapin natin para lang makumpleto nyang gayuma gayuma na yan!." Reklamo ko habang hawak hawak ang dulo ng bistidang suot- suot ko.

Lumingon ito sakin at tinaasan ako ng kilay. "Ikaw pa ang nag rereklamo dyan! Narinig mo ba akong mag reklamo nang kinalimutan mo ako nung nakaraang gabi!?." Sumbat nito.

Humaba ang nguso ko at umirap. Tatlong araw na ang lumipas nang makalimutan ko syang gisingin sa mahimbing nyang pag kakatulog nung unang gabi ng spring festival. Tsk! Ginagamit nya nanaman yung 'kinalimutan Card' saken!.

Dahil sa sobrang saya na naramdaman ko nang makilala ko ang isa sa mga character sa libro na si Cyrus, ay nakalimutan kong kasama ko pala nun si Freya.

Naalala ko nalang sya nang sumalubong ang naiinis at puno ng cookie crumbs nyang mukha sakin nung umuwi kami nila Skye.

Hehehehehe. Aaminin kong na distract ako dahil kay Cyrus pero kasalanan den naman ni Freya. Natulog pa kase ang gaga.

"Oo na Ma'am. Di na po ako mag re-reklamo." Sabay tango tango ko at ipinagdikit ng madiim ang labi ko.

Hindi ito nag salita at tinignan nalang ang maliit nyang papel kung saan nakalista ang mga halaman na hinahanap namin para sa gagawin nyang gayuma.

Oh! Di ko gagayumahin si Skye ah! iba yang iniisip nyo!. Gagawa lang ng simpleng pampatulog si Freya dahil sa nakalipas na tatlong araw. Laging nakasunod sakin si Skye, Farabela at Cyrus.

Para silang bubble gum na sobrang nakadikit sakin.

I mean. Di naman ako nakakaramdam ng negatibong emosyon pag kasama ko silang tatlo. Sa totoo lang, napaka saya ko nga pag kasama ko sila eh.

Pero mamayang gabi ay kailangan kong tumakas dahil kailangan naming pumunta sa lumang green house na malapit lang dito sa mansyon.

Nasa likod ng mansyon ang gubat kung saan ko nakita ang lumang green house na nakatayo sa pinaka malalim na parte ng gubat. Nadiskubre ko ito nang inaya ko ang isa sa mga katulong na mag picnic sa gubat. Syempre dahil isa akong pusa na curious na curious sa lahat ng bagay.

Napag desisyonan ni Freya— Oo si Freya lang ang nag desisyon at sumabay nalang den ako. Na doon nalang namin itago ang itlog. Medyo nag c-cracked na kasi ang shell, ibigsabihin ay lalabas na ang dragon. Saktong maganda ang pwesto ng green house. Saktong sakto sa ilalim ng araw at maaliwalas den doon kaya mas maganda daw kung doon lalabas ang dragon.

Pati muntikan nang makita ito ni Skye at Farabela sa loob ng kwarto ko, buti nalang talaga at lagi kong kasama si Freya para itago ang itlog.

"Sa tingin mo Freya. Ano kaya ang kulay ng dragon nalalabas sa itlog? Hehehehe kyut kaya ito o nakakatakot?." Tanong ko. Kita ko ang pag tigil nito kaya tumigil din ako sa paglalakad.

"Err...di ako sigurado kung dragon nga ba ang lalabas dyan." Sagot nito kaya nag kasalubong ang kilay ko.

"Anong di ka sigurado kung dragon ang lalabas? Eh di'ba dragon egg yun? Anong gusto mong lumabas? Butiki?!."

Humarap ito sakin at nag kibit balikat.
"Di ko alam Anaia. Tsk. Bunutin mo na nga yun! Para matapos na tayo dito!." Sabay turo nito sa kung saan.

Sinundan ng mga mata ko ang lugar kung saan sya tumuro. Isa itong malaking bato na hanggang tuhod ko ata ang tangkad.

"Luh! Anong trip mo Freya? Di ako si Hulk para mabuhat yan ng walang kahirap hirap!." Angal ko.

"Anong Trip Trip pati Hulk Hulk na yan? Di kita maintindihan!, yan kananaman sa kataka-taka 'mong lengguwahe eh." Singhal nito kaya naman napakagat ako ng labi.

La Señora: Changes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon