"Lady Anaia! Naku! Ano pong nangyari sainyo?." Nag aalalang tanong ni Nanay Kika na kakapasok lang ng kwarto.Inaantok na ngumiti ako dito at pabagsak na sana ang ulo ko sa antok nang masalo ito ni Nanay Kika. Ipinatong nya ang ulo ko sakanyang balikat at sunod-sunod na nag tanong.
Wala naman akong maisagot dahil hindi ko maintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Puro humm lang naisagot sagot ko at ungot.
"Nako nako Lady. Hindi ka po pwedeng matulog muli dahil kailang mo nang mag ayos para sa inyong umagahan." Sabay hawak nito sa balikat ko at inalis ang buhok na nakadikit sa mukha ko.
Naaalala ko si Sylva dahil kay Nanay Kika. Pero mas malambing mag salita si Nanay Kika kesa kay Sylva na parang alarm clock ang bibig tuwing umaga.
"Mamaya nalang ako kakain. Inaantok pa po ako." Papikit pikit kong sagot. Umiling ito. "Hindi pwe-pwede dahil kasabay mong kumain sila Sir." Malumanay na tanggi nito.
Ser?. Sino yun? May ganun bang pangalan. Weird naman ng pangalan 'nun.
"Sino po si Ser?." Nag tataka kong tanong. "Hindi mo ba naaalala na kagabi dumating ang iyong Ama?." Rinig kong pagtataka nito.
Ama? Si Papà ba ang tinutukoy ni Nanay Kika?. Ilang segundo pa bago maproseso ng utak ko ang sinabi ni Nanay kika. Dali-daling napadiretsyo ang katawan ko at napadilat ang mga mata ko sa gulat.
Bakit naan dito si Papà? May nagawa ba akong kasalanan?!.
Namalayan ko nalang na nakaharap ako ngayon sa malaking salamin habang sinusuklay ni Sylva ang buhok ko.
"Lady. Bakit parang hindi nyo alam na ngayong araw gaganapin ang pagtitipon sa kaharian?." Tanong nito habang tini-tirintas ang aking buhok.
"Ah...mukhang nakalimutan ko dahil sa mga nangyayari sa nakalipas na linggo." Sagot ko at tumulala nalang sa salamin.
Antok na antok padin talaga ako dahil sa mga nangyari kagabi. Anong oras na kami nakatulog ni Freya dahil kinailangan pa naming ilipat sila Cyrus at Farabela sa mag kabilang kwarto ng tahimik.
At hindi ko akalain na sobrang bigat ni Cyrus. Sakanya kami nahirapan ng sobra kagabi. Para akong nag bubuhat ng dalawang sakong bigas.
Expected sa kabalyero na malaki at yummy ang katawan. Sabay tango-tango sa sarili ko.
"Ganun ba. Sabagay, talagang madami kayong aktibidad na ginawa mag mula ng tumapak kayo sa kapitolyo. Narinig ko pa nga po kay Nanay Kika na bumisita kayo sa kulungan ng mga kabayo at tumulong din kayo sa mga hardinero dito" Ani nito kaya naman ngumiti nalang ako dito at pinikit ko muli ang mga mata ko sa antok.
Ngunit wala pang isang minuto ang tinagal ng pag pikit ko ng makarinig kami ng pag katok sa pintuan ng kwarto. Pinagbuksan ito ni Sylva. Inaasahan kong si Papà ito ngunit katulong ito. Sinabi nito na hinahanap na ako ni Papá at kailangan ko ng bumaba para sa umagahan.
Pag kababa ko ay dumiretsyo kami ni Sylva sa dining hall. Hindi na ako nagulat ng makita ko sila Farabela na nakaupo na at mukhang hinihintay din ako.
"Magandang umaga Lady Anaia." Bati ni Farabela. Ngumiti ako dito at bumati din. Umupo ako sa gitna ni Papà at Farabela. Kaharap ko naman si Cyrus. Nakasuot na ito ng kanyang uniporme habang si Farabela naman ay nakasuot na ng simpleng bistida.
Nag umpisa na ang umagahan sa pag papasalamat sa panginoon at natapos ito sa pagpapasalamat muli. Relihiyoso ang pamilya namen at mukhang hindi sanay si Cyrus. Pigil nga ang tawa ko ng mag umpisang mag dasal si Papà at hindi nito alam ang gagawin. Kaya gumaya nalang ito saming dalawa ni Farabela.
BINABASA MO ANG
La Señora: Changes (On-going)
FantasyAfter Zeara Angel Lee died at the age of 18 because of leukemia. She was suddenly transmitted inside the body of Anaia Pearl Winstone. The one and only villainess of the story she last read before she died. Zea accepted her fate that she is now Anai...