"Magandang gabi po Lady Anaia."
Napatigil ako sa pag lilingon at na punta ang atensyon ko sa lalaking nag bukas ng pintuan ng kalesa.
Nakasuot sya ng armor at sa kaliwa nyang bewang ay may spadang nakatali. Mukhang sya ang sinasabi sakin ni Mamà na isa sa mga pinapag katiwalaan nyang kawal dito sa kapital.
Ngumiti ito sakin. "Pag pasensyahan nyo na po dahil mukhang di sinabi sainyo ni Skye na may mahalaga syang aasikasuhin. Ako ang inatasan na bantayan muna kayo ngayong gabi hanggang di pa tapos si Skye sa kanyang misyon." Magalang na sabi nito.
Tumango naman ako. Soo~ di makakasama si Skye?. Sayang. Umaasa pa naman akong pagudin sya ngayong gabi tapos sya yung pag babayarin ko ng mga pagkain na gusto kong bilhin. Mukhang nakatakas sya ah.
"Kung ganoon. Sana ay mag ingat sya sa kanyang misyon." Sabi ko at ipinatong ko ang kamay ko sa palad nitong nakalahad.
Inalalayan nya ako makapasok sa kalesa at ng makaupo ako ay pumasok na den sya at umupo sa harapan.
*Tak* *Tak*
Dalawang beses nyang pag katok sa kahoy, senyales na pwede nang umalis. Tinignan ko saglit ang lalaking nasa harapan ko.
Medyo mature na ang mukha nya at mukhang kaedaran nya si Sir,Skye. May maliit syang peklat sa kanan nyang kilay, medyo dirty blonde din ang buhok nya na bumagay naman sa kumikintab na tsokolate nyang mga mata.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?." Tanong ko dito. Medyo pamilyar kasi ang mukha nya. Feeling ko, isa sya sa mga characters sa storya pero di ko matandaan ang pangalan nya.
Ngumiti ulit ito at halos masilaw ang mga mata ko dahil sa mapuputi nitong ngipin. Mas maputi pa kesa sa mga koreano! Pwedeng pwede sa commercial ng Close Up!!! Approve!.
"Pasensya na at nakalimutan kong mag pakilala. Lady Anaia. Ako nga pala si Cyrus Del Marchill." Pag papakilala nito. Inilagay nya ang kanyang kanang kamay sa dibdib at tumungo ng unti. Pag bibigay ng galang.
Nag kasalubong ang kilay ko dahil sa pangalan nya. "Cyrus??....Del Marchill??..." Taka kong bulong sa sarili at napahawak pa ako sa baba para alalahanin ang pangalan nya.
Parang pamilyar..."DEL MARCHILL?!." Gulat kong sigaw. Mukhang nagulat den si Cyrus sa biglaan kong pag sigaw dahil unting lumaki ang mata nya.
Del Marchill?! Does he mean Anak sya ni Count.De Marchill?!.
"May mali po ba akong nasabi Lady Anaia?." Nag tataka nitong tanong.
Dali dali naman akong umiling. "Ah...eh. Wala! Wala!. Nagulat lang ako dahil ang nag iisang anak na lalaki ni Count. Del Marchill ay isang kabalyero." Pag dadahilan ko at umiwas ng tingin.
Di naman talaga ako nagulat na isa syang kabalyero dahil ayun naman talaga ang role nya sa kwento. Naging kabalyero sya dahil kay Farabela.
Mag kababata ang dalawa at matagal ng may gusto itong si Cyrus kay Farabela, kaya mas pinili nyang maging kabalyero dahil iyon ang tipo ni Farabela sa lalaki.
Ohh~ don't me! May standards ang Female lead natin!
Pero pag nalaman ni Cyrus na may gusto sa iba si Farabela. Masasaktan sya at kakampe sa demonyi- i mean, kay Anaia.
Tinulungan ni Cyrus si Anaia na pag hiwalayin ang dalawa pero sa huli ay namatay si Cyrus bago pa mamatay si Anaia.
Err...isa sa mga itinuturing na kontrabida sa kwento itong si Cyrus. May mga readers na galit sakanya at pinapangarap na mamatay sya sa kwento. Hehehehehe at isa din ako doon...pero dati yun!! Dati!.
BINABASA MO ANG
La Señora: Changes (On-going)
FantasíaAfter Zeara Angel Lee died at the age of 18 because of leukemia. She was suddenly transmitted inside the body of Anaia Pearl Winstone. The one and only villainess of the story she last read before she died. Zea accepted her fate that she is now Anai...