"Ginoo'ng naka maskara. Nag tatanong ng wasto ang binibining nasa harapan mo, bakit di mo den sagutin ng wasto?." Walang emosyon na tanong ni Farabela sa Male lead.
Nakalimutan ko na den kasi ang pangalan nya kaya tawagin na muna natin syang male lead. Hehehe.
"Pati, may punto naman ang sinabi ni Lady Anaia. Papaanong mawawalan kami ng pake kung hinahabol kami ng kamatayan kanina." Dagdag pa nito at malamig na tumingin dito na akala mo'y di nya ito nakikita bilang lalaking papakasalan nya sa hinaharap.
Nooo! Ito ba ang epekto ng bunganga ko?! Geez! Di ko naman alam na malaki pala ang epekto ng walang kwentang sinabi ko nung mga bata pa kami. Immature pa ako nun!!!.
Saglit akong tumingin kay Farabela at mukhang naramdaman nya ito dahil lumingon sya sakin at ngumiti ng maliwanag. Nakangiwing tumango lang ako at nag iwas ng tingin.
Nakakatakot sya. Ang bilis mag bago ng kanyang ekspresyon. Kanina malamig syang nakatingin sa future husband nya, pero ngayon ngumingiti sya sa harapan ko na parang inosenteng dalagita..... Errr...bipolar.
"Tsk!."
Napunta ang atensyon ko sa Crown Prince ng gumawa ito ng ingay. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at napatango tango sa sarili.
Sa sobrang inis ko sakanya kanina, ngayon ko lang napansin ang mga berde nyang mata na mas berde pa kesa sakin, kumikintab ito na parang isang hiyas. Pati na den ang malaki nyang katawan at proud na proud nyang ilong.
"Pogi sana kung di lang masama ang ugali." Bulong ko sabay tango- tango pa sa sarili na parang tanga.
"Sinong pogi?."
Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Hawak hawak ang puso kong parang hinahabol ng kabayo ay masama kong tinignan si Skye na malapit ang mukha sakin.
"Sino paba? Edi yung estrangherong naka maskara." Bulong ko sabay irap sa inis. Di ko alam kung guni guni ko lang ba iyon, pero nakita ko talagang nag bago ang ekpresyon ng mukha nya na parang nainis ito sa aking sinabi.
Tinignan ko muli ang male lead na ngayon ay nakatingin sa bintana na katabi nya.
Wide shoulders. Check!.Taller than me. Check!. Proud nose. Check!! and juicy chest. Check! Check! Check!!!!
Approve! Pwede na syang sumali sa Juicy big chest club. At ang lider nila ay walang iba kundi si Cyrus!.
"Sa tingen mo Cyrus...tipo kaya ni Lady Anaia yung mga lalaking magaspang ang ugali?." -Farabela.
"Siguro Farabela. Tignan mo naman kung papaano nya tignan ang estrangherong minura nya kanina. Nag ni-ningning ang mga mata nya." -Cyrus.
"Tsk! Lumalalim na ang gabi, kailangan na naming bumalik ni Anaia, pati mukhang naka layo naman na ang mga humahabol sainyo." Biglang sabi ni Skye.
Nag taas ako ng tingin sakanya. "Bakit? Anong oras na ba?." Taka kong tanong. Bumuga ito ng hangin at may kinuha sa loob ng kanyang balabal.
Inilabas nya ang lumang bilog na orasan at tinignan iyon. "Alas onse na." Tipid nitong sagot.
Tumango naman ako at tumayo. Tinignan ko ang male lead bago sitsitan ito dahilan para mapatingin sya sakin.
"Ginoo'ng mukhang Noo. Sana di na tayo muli mag kita at inaasahan kong di na muli kami masasali dyan sa habol-habulan nyo ng mga mamamatay- tao. Paalam at sana maging ligtas ka." Magalang pero may halong pang aasar kong sabi.
Hawak hawak ang mag kabilang gilid ng dress ko ay yumuko ako dito at nauna nang lumabas ng kwarto.
Ramdam ko ang pag sunod nila Skye sakin papalabas. Bago pa kami bumaba sa kahoy na hagdanan ay dali dali akong tumakbo papapunta sa kwarto at sumilip sa pintuan na saktong doon nakatingin ang male lead.
BINABASA MO ANG
La Señora: Changes (On-going)
FantasyAfter Zeara Angel Lee died at the age of 18 because of leukemia. She was suddenly transmitted inside the body of Anaia Pearl Winstone. The one and only villainess of the story she last read before she died. Zea accepted her fate that she is now Anai...