Di ko nalang sya pinansin at nag laro nalang ng tubig gamit ang mga paa ko. Bahagyang tinignan ko ang tubig at kita ko ang repleksyon ko dito."Kamusta na kaya ang dalawang nakilala ko sa shop ni tanda?." Wala sa sarili kong tanong at inilagay pa ang kamay ko sa ilalim ng baba ko.
Napagawa na ba nung magandang babae ang stick nya?. Sana naman napagawa na nya, kasi mukha talagang mahalaga sakanya ang patpat na iyon, pati mahal kaya ang iniambag ko doon!.
Tumingin ako kay Skye sa gilid ko na nakatingin mula sa malayong parte ng gubat. Nag taka ako dahil parang napaka lalim ng iniisip nito habang nakatingin doon.
"Hoy! Sir. Skye..ayos ka lang ba?." Tanong ko sabay hawak sa braso nito dahilan para mawala ito sa malalim na pag iisip.
"Ah..Lady Anaia..please stay here. May titignan lang ako doon." Sabay turo nito sa lugar kung saan sya nakatingin kanina.
Nag taka naman ako pero tumango nalang ako."Sige." Maikling sagot ko. Bago ito mag lakad papaalis, pinaningkitan ako nito ng mata na parang nag babanta.
"Sinasabi ko sayo Lady Anaia..pag balik ko at wala ka dito. Isusumbong kita kay Duke,Winstone." Seryoso nitong sabi kaya dali dali akong tumango na parang bata.
"Yes, yes! Di ako tatakas ulit. Don't worry." Sabi ko sabay taas pa ng dalawang kamay, kaya nag lakad na ito papaalis.
Nakahinga naman ako ng maayos nang lamunin na ito ng mga puno.
Geez, he's so scary specially when he look at me like that, his eyes is glowing like a sapphire stone. And laging tumitibok ng napaka bilis ang puso ko pag nag kakatinginan kami sa mga mata.
Di naman ako manhid para di malaman ang ibig sabihin ng nararamdaman ko.
Oo, may gusto ako kay Sir, Skye. Natural lang naman iyon dahil napaka ganda ng mukha nya pati sya kaya ang una kong nagustuhan na character sa librong ito.
Pati wag kayo!, lahat ng nakakakita kay Skye ay napapatulala dahil sa charms nya.
Kaso..mamamatay sya pag nakilala nya si Farabela, ma lo-love at first sight sya dito at mag bibigay ng pangako, at dahil sa pangako na iyon...mamamatay sya
Ang sad diba?. Pero dahil ako na si Anaia, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para di sila mag kita.
Kahit pa ikulong ko si Skye sa kwarto ko. Gagawin ko, para lang di sila mag kita. Joke!.
"Anaia! Lady Anaia, long time no see."
Napatingin ako sa kaliwa at kanan dahil sa boses na iyon. Maliit ang boses pero halata na babae ang nag sasalita.
Luh! Sino yun?!.
Napaka pamilyar ng boses pero di ko maalala kung sino iyon. Multo ba yun?! Minumulto na ba ako?!.
Halos tumaas lahat ng balahibo ko dahil sa aking iniisip.
"Lady Anaia, im here infront of you."
Dali dali akong tumingin sa harap, kung saan may isang maliit na ilaw, lumulutang ito sa harapan ko. Halos maduling ako dahil napaka lapit nito sa mukha ko.
"A-ano?...hehehe sino k-ka?." Pinapag pawisan kong tanong dahil sa kaba.
Sino ba naman kasing di kakabahan kung may maliit na ilaw sa harapan mo, tapos nag sasalita?! Isa ba syang dyosa sa gubat na 'toh?.
"Anong sino ka?! Di mo ba ako natatandaan?." Galit na sabi nito. "Sabagay, bata ka pa nung huli mo akong nakita."
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito at pinaningkit ang mga mata ko para makita ko ng maiigi ang nag sasalitang ilaw sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
La Señora: Changes (On-going)
FantasyAfter Zeara Angel Lee died at the age of 18 because of leukemia. She was suddenly transmitted inside the body of Anaia Pearl Winstone. The one and only villainess of the story she last read before she died. Zea accepted her fate that she is now Anai...