CHAPTER 10

1.5K 38 0
                                    

TULOY PA RIN siya sa pagtratrabaho nang tumawag bigla si SPO2 Cardoval. Alam niyang importante ang sasabihin nito dahil nag-abala pa itong tumawag sa kaniya.

"Xaia." Otomatiko siyang napatayo nang banggitin nito ang pangalan niya

When Cardoval calls her as Xaia, it means that he's talking to her as a friend. And she can say that he's serious as hell.

"Bakit, Cardoval?" Nagsimulang tumambol ang puso niya sa kaba

"May lead kami sa lugar ng isa sa tauhan niya."

Her world crumpled like a piece of paper as she heard those words. Unti-unting nanlamig ang kamay niya at hindi alam kung anong mararamdaman niya.

Takot.

Yan ang unang naramdaman niya nang alalahanin ang kababuyang ginawa sa kaniya ng lalaking 'yon.

"P-Paano?" Nanuyo ang lalamunan niya na nagpahirap sa kaniyang magsalita

Tumikhim muna ito bago sagutin ang kaniyang tanong "Na-track ni Ream kung ano ang pangalan ng lalaking naglagay ng droga sa inumin mo."

Hinilamos niya ang palad sa mukha at pumunta sa malaking salamin kung saan natatanaw ang ibang gusali. Baka maiyak nalang siya bigla kung di niya papakalmahin ang sarili niya.

"Where is he, Kent?" Nanginginig niyang sabi

Mahigit ilang minuto ang dumaan bago sumagot ito "Nasa Norway siya. Hindi natin siya puwedeng hulihin. Kailangan natin siyang hintayin na makatapak sa Pilipinas."

"Kailangan niyang makulong. I will do everything to make them pay. My way." Hinawakan niya ang dibdib niya

Please, don't turn numb.

Nararamdaman niyang namamanhid ang puso niya. Tumutulo ang luha niya pero nawawalan ng pakiramdam ang puso niya.

"Wag mong taliwasin ang batas. Alam mong hindi 'yan ang paraan para pagbayaran nila 'yon." May halong pag-aalala sa boses nito

"Wala akong pakialam. I will make them beg. Ipaparamdam ko ang paghihirap na dinanas ko sa kanila. Kulang ang kamatayan para pagbayaran nila 'yon." Pinatayan niya ito ng tawag at tumingin sa papalubog na araw

Ito na ang pagkakataon na hinihintay niya. Hindi niya mawari kung sasaya ba siya dahil nagkaroon na ng lead o malulungkot dahil bumabalik nanaman ang alaala ng kahapon.

She needs to hold herself together to fulfill her plans which is making them pay. Kasalanan nila kung bakit naging ganito siya. Kasalanan nila kung bakit nawalan ng siya ng pag-asang mabuhay noon.

"Ms. Akiyama, the head of marketing needs your approval for the promotion of our new creations."

"Send all the files on my e-mail." Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi "Katia, cancel all my appointments for next week."

"Noted. What if Mr. Akiyama ask me about you? What will I say?"

Bumuntong-hininga siya tsaka muling tumingin sa kawalan "Tell him that I need to find myself."

"Xaia, I'm saying this as a friend of yours. We're here to help but you have to learn to help yourself first, okay? We love you, we always do..."

Ngumiti siya at tumango "I know, Katia. I really do. Anyway, you can go home now. Your son might be waiting for you."

"Thank you, Ms. Akiyama. Take care and goodluck." Paalam nito bago tuluyang umalis

This is too much. She might lose her sanity again if she keep on thinking that the man who raped her is still roaming around.

BC #1: Seeking Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon