CHAPTER 9

3.1K 55 0
                                    

NAKATINGIN ANG lahat sa kanila pagkapasok pa lamang sa malaking pintuan na gawa sa salamin. Bakas sa mga ito ang pagkagulat sa nakikita.

Sino ba namang hindi magugulat? She's walking with Xanthrus Cade Seudama, a gorgeous man with gray eyes and well-toned body. Sinong mag-aakala na ang dating boss nilang sukdulan ang pagkasuklam sa mga lalaki ay may kasamang guwapo ngayon?

"If you just want to gossip, free to leave our company. Hindi kita binabayaran para magkalat ng picture na nandiyan sa cellphone mo." Kapwa nanlamig ang lahat dahil narinig nanaman nila ang malamig niyang boses

"Miss Akiyama, I can explain. Please, don't fire me." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ng babaeng nahuli niya

"Kung aakalain kong papalampasin ko ang pagkuha mo ng litrato pwes nagkakamali ka." Malamig niyang tinignan ang empleyadong walang magawa kundi ang umiyak

Umirap siya bago lagpasan ito "I had enough with employees like you. Sana naisip mo 'yan bago ka kumuha ng litrato."

Napupuno na kasi talaga siya sa mga empleyado niyang kung makapangkalat ng tsismis e parang hindi siya nakagawa ng mabuti para sa kanila. Namulat lang talaga siya noong bumalik siya at nagbago ang lahat.

She learned that none of their employees truly cares about her. They judged her because she suddenly changed into something they couldn't imagine.

Sino ba naman kasing hindi magtataka kung bigla na lamang niyang inatake ang isang matandang investor na lalaki? May nagkalat pa nga ng tsismis na nababaliw na raw siya at kailangan ng tanggalin sa kumpanya.

"You okay?" Napatingin siya kay Xanthrus na nag-aalala ang mukha

Tumango siya "Of course, I am."

"Sure? Your eyes are cold, honey. It seems that not you're not really okay..." Pansin nito ang pag-iiba niya at natatakot siya na baka mabasa siya nito nang tuluyan

Hindi niya puwedeng ipakita na mahina siya. No. She will do anything to hide her weakness. Masyado na siyang pinagsamantalahan ng mga taong nakakita ng kahinaan niya.

"I'm okay. Ganito naman talaga ako, diba?" She said with 'as a matter-of-fact' tone "Tara na. Diba sabi mo papatunayan mong karapat-dapat ka ng tiwala ko?"

"Yes, honey. Come on." Ngumiti ito sa kaniya sabay hawak sa isa niyang kamay

Nakatingin si Katia sa kaniya habang may nanunudyong ngisi na nakaguhit sa mukha nito. If there's an employee who's close to her enough to know her dark past, it will be Katia.

"Goodmorning, Ms. Akiyama. Pile of papers are waiting for your signature." Binuksan nito ang pintuan ng opisina para papasukin sila

"Any news?" Inayos niya ang dress na ibinigay ng binata sa kaniya

"Abrianna visited your office a while ago. She's really eager to convince your father, Ms. Akiyama."

Otomatikong napakuyom ang kamao niya pagkarinig ng pangalan ng kapatid. That bitch is really getting in her nerves. She's the daughter of her unfaithful mother.

"At ano nanamang gusto niyang mangyari? Makisiksik sa amin ni Papa? Is that it?" Halata sa mukha niya ang galit pero nanatili siyang nakaupo

"Yes, Ms. Akiyama. She just introduced herself as an heir of Akiyama Technologies. I couldn't do anything about it."

Bumuntong-hininga siya habang pinapakalma ang sarili "Xanthrus? Lumabas ka muna. May pag-uusapan lang kami."

"Okay, honey. I'll be outside." Ngumiti muna ito sa kanya bago lumabas

BC #1: Seeking Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon