CHAPTER 14

1.3K 29 1
                                    

HINDI NA NIYA ulit isinuot ang skin-tone na two piece. Mas pinili niyang suotin ang life-guard style na may zipper sa harapan.

Sinabihan niyang mauna na sila dahil nagbabad muna siya sa tubig na may scented candles. Syempre, hindi pa rin naalis sa ugali niya na biglang makasakit lalo na kapag naiinis.

"Honey, I'll wait for you outside. Caius, Bradley and Singco wants to meet you." Saad nito na nasa labas ng pintuan

"Alright. Wait for me outside. Kaya ko namang lumabas nang mag-isa." Sagot niya

Naisipan niyang umahon na sa bathtub pagkalipas nang ilang minuto. Hindi na niya naabutan ang binata na marahil ay nasa labas na.

She wore her swimsuit and get her see-through robe. Xanthrus told her that they will have a barbecue party. First time niya na makisama sa ibang grupo ng tao maliban sa kaibigan niya.
"I'll be alright." Bulong niya sa sarili sabay lakad papunta sa grupo ng kalalakihan, na kasama ang babaeng kinaiinisan niya

She won't lie. Ali got the curves. The breast and butt. Nakasuot ito ng green two piece na halos unti na lang ang natatakpan sa katawan niya.

Hinubad niya ang roba umupo sa tabi ni Xanthrus na nakikipagtawanan sa apat nitong kaibigan.

"Woah. Galing pumili." Manghang sabi ni Singco habang nakatingin sa kaniya

"Backoff, playboy." Pabiro nitong sinipa ang kaibigan at hinapit siya

Napatawa naman si Singco "Dude, paano ba mapalibutan ng mga magaganda? Kung ako siguro nasa posisyon mo, malilito rin ako kung si Ali o Xaia ang pipiliin ko."

"Of course, I'll choose Ali as my bestfriend and this beautiful woman," Hinawakan nito ang kamay niya "will be my wife."

Napanganga siya sa tinuran nito. Who would say that he wants someone to be his wife when he just met the girl two weeks ago?

"Easy there, loverboy." Sabat naman ni Bradley

Xanthrus chuckled "Sounds way too cheesy?"

"Too soon, dude." Tinapik pa ni Singco ang likuran nito "Hey, Ali. Diba dati ka pa may gusto kay Xanthrus?"

Nagkatinginan sila. Bakas sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ni Singco. Bakit ba puro insensitive na tao ang nakapalibot sa kaniya ngayon?

"Oo. Dati pa." Buong kumpiyansang sagot ni Ali "Kaya kung may nauna man, ako 'yon."

"Pero bakit iba pinili niya?" Inosenteng tanong muli nito

This man is like them. Walang preno ang pinagsasabi. Bakas naman sa mukha ni Ali na napikon ito sa sinabi ni Singco. Kung magkakaroon man ng katapat ang isa sa mga iba pa niyang kaibigan, si Singco na siguro 'yon.

"Hey. We can play volleyball. May bola akong dala." Pagkuha ng atensyon ni Caius

"Sige, Kuya. Tara." Nakangiting sabi ni Singco na parang alam ang mga titig sa kaniya ni Caius

Nagsitayuan sila para simulan ang paglalaro. Magkakampi si Caius, Bradley at Ali habang ang kakampi naman niya ay sina Xanthrus at Singco.

Nanonood lang si Jared dahil hindi ito marunong maglaro.

"First to get fifteen point panalo na. Yung matatalo magbabayad ng three thousand sa mananalo." Saad ni Jared na naging referee na lang

Nagsimula ang laro. Pinakawalan niya ang isang jump serve diretso kay Brandon na agad nitong sinalo. Gulat ang lahat na napatingin kay Ali nang paluin nito ang bola papunta sa kaniya.

"Fuck." Bulong niya sabay atras patalikod para saluhin ang palo nito

Singco set the second ball, giving her the chance to spike. Isang malakas at patulis na palo ang pinakawalan niya papunta kay Ali na hindi nito nasalo sa sobrang bilis.

BC #1: Seeking Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon