SPECIAL CHAPTER

911 20 8
                                    

A/N: Actually, I wrote this story when I was seventeen. I thought that I can just make my characters do what I want to do. Clearly, you know what I mean. But as I grew up, I decided to fight and live. So I am writing this chapter for Xaia to fight and avenge his death...

Clearly, I can't write longer. I can't add chapters because our Xanthrus died. So I'll just add something... Makikita nyo siya sa next stories so stay tuned...

**

PAGKADILAT niya ng mga mata ay kaagad na sumalubong sa kaniya si Xanthrus na malaki ang ngiting nakatingin sa kaniya. Gusto niyang maiyak dahil kanina lang ay nangungulila siya sa binata ngunit ngayon ay masaya itong nakatingin sa kaniya.

Hindi niya mapigilang mapaluha nang yakapin siya nito mula sa likuran.

"Hey, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Xanthrus kasabay ng paghaplos nito sa kaniyang likuran. "I cooked you some breakfast."

"I thought I lost you." Parang bata niyang sabi at hinayaang aluhin ng kasintahan. "I thought you left me. I thought that I won't see you again."

"We just cuddled earlier, honey. What are you saying?" Nagtataka na tanong ni Xanthrus. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya kasabay ng kaniyang pagtahan. "Is it your hormones? Perhaps, our baby is making you emotional."

"Baby?" Otomatiko siyang napahawak sa tiyan maging ang pagbilog ng kaniyang mata. "I'm pregnant?"

"Yes, you are. You sound silly today. Are you okay?" Malambing nitong pang-aalo. Inilapag ni Xanthrus ang gatas sa harap niya pati ang isang bugkos ng rosas. "Roses for my honey. Good morning."

"Good morning." Pinilit niyang pakalmahin ang sarili ngunit agad din naman siyang kumalma dahil nasa harap niya ang lalaking pinakamamahal. "I missed you, Xanthrus."

"I missed you too." Ngitian siya nito at hinalikan sa pinsgi. Umupo ito sa katabi niyang lamesa para hiwaan siya ng niluto nitong pancake. "Say 'ahh', honey."

"Ahhhhhh." Mahabang tugon niya bago isubo ang pancake na ibinigay nito.

"The kids are still asleep. And it is my rest day so we can play in the pool or have a picnic on the beach. Does it sound nice to you?" Niyakap siya nito habang hinahaplos ang maumbok niyang tiyan. "I have been imagining this happy family of us, honey."

"Me too, honey. I have been anticipating for this moment." Marahan niya itong ginawaran ng halik kasabay ng pagtili ng dalawang batang babae na pababa sa hagdan.

"Mommy and Daddy are kissing! We want kisses too!" Nagmamadaling kumalong sa kanilang dalawa ni Xavia at Xanthris habang nakanguso ang mga ito. "Mommy, can you kiss me too? Why are you only kissing Daddy?"

"Xavia, your mouth smells bad pa. We need to brush our teeth first." Saad ng panganay nilang anak na dali-daling umalis sa kanlungan ng asawa. "Then, we can kiss Mommy and Baby Xavier as many as we want!"

"I like that idea, Ate! Let's brush our teeth!" Hinila ni Xavia ang kapatid papunta sa banyo kung saan may maliit na lababo para sa kanila.

"They are really excited about their baby brother." Natatawang saad ni Xanthrus na kumukuha ng isang basong tubig para sa kaniya.

"I can see that." Nakangiti niyang sabi habang nagmamasid sa mga litrato kung saan kasama niya ang buong pamilya. "They look like you. Ang daya. Sana si Xavier maging kamukha na ako."

"Honey, your husband is handsome. That's why." Kibit-balikat na sagot pa nito. Pabiro niyang pinalo ang braso nito dahil hindi niya mapigilan ang pagtawa. "I prepared some steaks and barbecue for later. Are your friends coming?"

BC #1: Seeking Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon