CHAPTER 40

1.8K 26 1
                                    

TRIGGER WARNING: SU1C1CID3

"TINGIN mo kung buhay siya, masaya pa rin kaya kami ngayon?" Tanaw niya ang mga bata na naglalaro sa parke na may ngiti sa kani-kanilang labi

Naaalala niya noong mga panahon na iniwan siya ng kaniyang ina ay ni isang beses, hindi siya nakapaglaro ang kapwa niya bata. She was dedicated to pursue her goals and not enjoy her life. Wala sa bokabularyo niya ang paglalaro. Sinubsob niya ang sarili sa libro at mga bagong kaalaman na mas makakatulong ka sa kaniya. At the age of 15, she graduated as the class valedictorian of their batch and received countless of awards. Some of the prestigious universities tried to persuade her with good offers but she declined and went to Philippine Military Academy.

Naging isang impyerno ang pagpasok niya roon kahit pa kilala ang kanilang pamilya. They did not give her a special treatment which she accepted because she wanted to feel the adrenaline rushing to her veins.

"Siguro, masaya kayo? He proved his love, Xaia. Lahat na ata ng pagmamahal niya ay ibinigay niya sayo."

Pumikit siya at dinama ang hangin na yumayakap sa kaniya. He is dead but not in her memories.

"He did, Ream. He loved me so much that I got blinded my emotions and forgot the things he did for me." She smiled weakly as her tears started to flow "You know, what? I did not deserve his affection. I did not deserve those things he did for me and it pains me to know that I am the one who is liable for his death."

"Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin na gawin ang gusto ninyo? Na bumalik sa dati? Napaka-hirap, Ream. Kasi siya ang naging rason para maibalik ko dati ang ngiti ko." She wiped her tears as Ream hugged her there, under the tree while letting her feelings out

"Iwan na muna kita. Alam kong mas nakakapag-isip kang mag-isa." Saad nito at tumayo para iwan siya "Bumalik ka nalang sa bahay kapag ayos ka na."

Umihip muli ang hangin nang umalis ang kaibigan. She suddenly felt at ease, like Xanthrus is showing his presence. Marahan siyang pumikit at niyakap ang sarili para damhin ang paghaplos sa kaniya ng hangin.

Her life was a mess. Maraming nagsasabi na ang buhay niya ay perpekto dahil sa kayamanan na mayroon siya pero nagkakamali silang lahat. Her life is full of hatred, sorrow and loneliness even if her father is there, showing and embracing her with so much warmth. Ni hindi niya maalala na naging masaya siya pagkaraan niya ng anim na taon. Sinubok siya ng problema na naging dahilan para magkaroon siya lalo ng lakas ng loob na lumaban.

She fought hard enough but then, some things are not in her control. Muling sinira ng tadhana ang pader na nakapaikot sa kaniya, para protektahan siya sa mga nagbabadyang problema. Niyurakan at inapak-apakan ang kaniyang pagkatao sa unang pagkakataon.

Ilang taon siyang naghanap ng hustiya at ilang taon na iniwasan ang maging masaya dahil natatakot siya na muli siyang makaramdam ng lungkot. Matatag ang pader na itinayo niya para sa sarili ngunit si Xanthrus ang kaisa-isang tao na Muling tumibag rito.

"Honey..." She looked at the man who is smiling in front of her "I missed you. Did you miss me too?"

"Of course, I did." Kimi siyang ngumiti at tinapik ang puwesto sa tabi niya

"I'm sorry that I came too late." Hinawakan nito ang pisngi niya kung saan dumaloy ang mga luha kani-kanina lang "I love you, Xaia. And I hope you love me too."

"I love you, Xanthrus." Sinapo niya ang batok nito at hinalikan nang mariin sabay pinakawalan "I became crazy after you left. Do you know how much pain you've caused me? Nagpa-miss ka masyado!"

"I thought you like surprises?" Natatawa ng tudyo nito sa kaniya ngunit hindi ito nakaiwas sa kurot niya "Is that how you show how much you missed me?"

"Kung sikmuraan kaya kita?" Nilakihan niya pa ito nang mata bago yakapin nang mahigpit "Pasalamat ka mahal kita." Bulong niya ngunit hindi ito nakatakas sa pandinig ng kasintahan

"Are you really that savage, Honey? Saying threatening things that might scare me?" Hinawi nito ang buhok niya na nagsitakasan dahil sa hangin kanina "I will not be scared because the thing that could scare me is losing you."

"But I was the one," Umiwas siya ng tingin "who lost you." Parang may bumara sa lalamunan niya habang sinasariwa ang mga alaala "Your family told me that they understand what happened but I can see that they could not process everything."

"It is not your fault. Please, do not blame yourself. I was the one who failed you." Hinalikan muli nito ang noo niya kasabay ng kaniyang paghagulgol "I was the one who failed in saving you five years ago and I know that your father already told you that."

"You are not oblige to save me! Why are you saying these nonsense things? I am at fault." Humina ang boses niya dahil sa paghikbi habang nakasandig siya sa balikat nito

"Please, Xaia. Don't you dare blame yourself because of me." Hinaplos nito ang kaniyang balikat

Akmang yayakapin niya ang lalaki nang may isang bata ang lumapit sa kaniya dala ang bola nito. Tinignan siya nito nang may pagtataka at luminga-linga pa sa paligid.

"Ate, bakit po ninyo kinakausap ang sarili po ninyo?" Inosente nitong tanong at hindi pa rin tumigil sa kakalinga "Sino pong nikakausap ninyo po?"

"Can't you see him?" Itinuro niya si Xanthrus ngunit umiling ang bata

"Sino po ang nituturo ninyo? Imaginary friend po ba ninyo?"

"He's not, baby. Look! Tumingin nga rito sa tabi ko. Xanthrus is here! He is alive!" Nagsimulang tumaas ang boses niya dahilan para tumakbo ang bata papunta sa mga kalaro nito "He cannot see you, Honey. I'm sure that my friends will not believe me if I told them that you are alive."

"Honey, do not tell them that I am. They might think that you are crazy. It is a secret between you and me." Agad naman siyang tumango at kinuha ang baril mula sa ilalim ng palda sabay ngumiti

"If they cannot see you, then they do not have to see me too." Masaya niyang saad habang itinututok ang baril sa kaniyang sentido "I love you so much that it pains me to know that I cannot be with you anymore. This is the only way to be with you, Xanthrus."

Tumingin siya sa papalubog na araw na nasa harapan niya at huminga nang malalim. Kung ito na lamang ang tanging paraan para makasama ang minamahal ay kaniyang gagawin. Alam na rin naman niya na hinding-hindi na siya babalik sa dati pagkatapos ng lahat ng ito.

"I love you, Xanthrus. I will always do. See you, honey. Till we meet again."

Kasabay ng pagsambit niya sa huling salita ay ang pagtunog ng malakas na putok galing sa baril papunta sa kaniyang sentido.

BC #1: Seeking Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon