CHAPTER 28

829 15 0
                                    

NAGISING SIYA nang marinig ang pag-uusap ng tao sa labas ng silid. Pawang nagkakamustahan at natatawanan ang mga tao. She adjusted her eyes to the light as she step outside the door.

"Xaia, we were just talking about the ECG. At hindi mo pala nasabi sa akin na palabiro pala si Tita." Nakangiting saad ni Kannika habang inaayos ang IV ng ina "We will take you there shortly, Tita. So we could run some test."

Sinenyasan ni Kannika ang isang nurse para makuhanan ng dugo ang nanghihunang ginang. Sa kabilang banda, nanatiling nakatitig si Xanthrus sa kaniya.

"About the chemotherapy, we will follow what your personal doctor told you. Your personal nurse could be a great help in taking care of you since you're fond with her." Pinasadahan nito ang personal nurse na ibinigay ng ama

"Ayon lang ba, Doc?" Nakangiting tanong ng ginang na sinuklian naman ng tango ni Kannika

"Xaia, puwede ba kitang makausap sa labas saglit?"

Lumabas si Kannika na agad naman niyang sinundan.

"What do you fucking want?" Bungad niya rito habang seryosong nakatingin

"I will escort her to ECG and x-ray later and we will find out if my speculations are right. For now, just don't do anything stupid."

"Oh, fuck you." Malamig niyang tugon at pumasok muli sa silid, hindi alintana ang bigat na nararamdaman sa sinabi ng kaibigan kanina.

Marahan siyang ngumiti at inisip na kailangan niyang ibahin ang pakikitungo sa ina. She wants to forget everything happened years ago. Yes, forgiveness is really hard to give but she needs to understand that her mother is not getting any younger.

"Ma, sasamahan kita mamaya sa ECG at x-ray room." Bakas ang gulat at pagtataka sa muka nito "I guess, I should start giving you a chance."

"Thank you, anak." Iminuwestra ng ina ang mga kamay na para bang handa siyang yakapin "I wish I could have more time with you."

"You will, Ma." Niyakap niya ito habang may luha na naglalaglagan sa kaniyang pisngi "I want to forgive you, Ma. Kahit may galit, isasantabi ko para lang maging maayos tayo."

"You would do that?"

"Of course. I wouldn't let you cry again. I will stop myself from saying nonsense that could hurt you."

"Mana ka talaga sa akin. Matapang at walang inuurungan." Her mother chuckled while combing Xaia's hair with her fingers "Sorry if I wasn't there to take care of you, Anak. Nawalan ako ng oras at lakas ng loob dahil sa sakit ko."

"Ma, take a rest. Okay? Kailangan mo ng pahinga. Naiintindihan ko na. I mean, it takes time but I just need you to know that I'm taking one step at a time. I will get there, Ma. Don't worry." Hinalikan niya ang kamay nito "It takes time, Ma. Pero alam kong mapapatawad kita."

Ngumiti ang ginang bago pumikit para magpahinga. Agad namang lumapit ang personal nurse nito at umupo sa silya sa katabi ng kama nito.

She needs to contact his father. Yes, there are some things that happened between the two but she feels that her father's love won't just die. Palihim pa rin nitong minamahal ang kaniyang ina kahit na iniwan sila nito para sa iba. Hindi naman ito magpapadala ng personal nurse kung may galit pa rin ang kaniyang ama rito. Hindi niya maisip kung bakit ganito kalalim ang pagmamahal ng ama sa ina kung hindi naman siya nito pinili.

"Hey." Bungad ni Xanthrus at niyakap siya nang makalabas siya sa silid

"Hmm?" Hinihintay niyang sagutin ng ama ang tawag "Are you okay? Sorry if you have to be with me while I take care of her."

BC #1: Seeking Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon