DEALING WITH THE BILLIONARE (CHAPTER 11)

58 20 47
                                    





Astrid's point of view.🌸




Nagising ako at ginawa na yung morning routines ko,naligo ako at nagbihis ng t shirt at pants,tsak ang galing nga eh kasi may lugar dito kung saan ka pwede maglaba,and I think third day na namin toh dito sa resort.ngayon pupunta kami sa kung saan madami daw booths.ewan koba sa teacher namin.



Pagkatapos ko ay kinuha ko yung shoulder bag ko at lumabas na.habang naglalakad ako sa may hallway nakita ko sina Carla at Dan ayun naghaharutan.




"Hi besh!".bati ni Carla.


"Hi astrid".


"Good morning,kayo ah ang aga aga ang lalandi niyo,wala kayong respeto sakin".sabi ko sabay pout.



"Mukha kang galunggong hahah".pang-aasar naman nitong si Dan ito kahit kailan apaka gago talaga nito.


"Sensya na bess minsan molang kami makitang magkasundo,kaya sulitin mona diba beb?".hindi sumagot si Dan bagkus ay agad niyang hinalikan si Carla,tangina niyo maghiwalay na kayo nasasaktan ako oh,naiinggit ako oh.



"Ano ba kita mong may tao".



"Pabebe ka girl hahahah".sabi ni Dan at hinampas naman siya ng namumulang si Carla.


"Wow ano ako hangin?hindi niyo nako nakita".sarcastic kong sagot,inakbayan nalang kami ni Dan at bumaba na,gutom na gutom nako,pagdating naman namin ay konti palang ang tao,umupo na kami sa may bakanteng lamesa.



"So ano order niyo?".tanong ni Carla.


"Pancake with bacon ako".sagot ko at agad na nilista yun sa dala niyang cute notepad.


"Ikaw beb?".napatingin si Dan sa kanya,at tinago ang phone nito.


"Ikaw".sabi niya at ngumiti ng may pagnanasa kay Carla,Agad namang hinampas ni Carla yung dala niyang notepad sa noo ni Dan,napangiti nalang ako sabay na napatingin sa direksyon Nina clide kung saan kasama niya si Shane at sobrang saya nila.


"Tangina mo beb,wag kang malandi pagkain kaba?".



"Oo bakit hindi ba??,ANG SARAP KO KAYA".



"Yuck?!maging seryoso kanga!".



"pancake nalang".sabi ni Dan,inirapan siya ni Carla bago tumayo at pumunta nadun para kumuha ng pagkain.


"Tsaka Dan anong ibig sabihin ng mga sinabi mo sakin kagabi?".tanong ko,tinignan niya ako ng seryoso.gusto kong malaman kasi baka alam niyang may gusto ako kay Clide,ayoko gusto ko isekreto yun.


"Umamin ka nga saakin,DO YOU HAVE FEELING TOWARDS HIM?".napahinto ako at napatahimik dahil dun.ang lakas ng kabog ng dibdib ko.



"Teka!___...... papaanong...".yun na lamang ang lumabas sa bibig ko,nauutal pa nga ako paano niya naman nalaman yun!,ngumisi siya at nagpatuloy na sa pagsasalita.



"Nagtataka ka kung paano ko nalaman,halata kaya,the way you look at him,kung gaano ka kasaya kapag kasama mo siya,at kung gaano ka naman kalungkot kapag nasa iba ang pansin niya,halata Astrid wag kana mag deny".paliwanag niya sabay uminom ng tubig at timingin uli sakin.



"Boyfriend mo siya?pero bakit nanliligaw siya sa iba ngayon?ano bang klaseng relationship ang nangyayari sa inyo?bakit hinahayaan mo siya na lumandi sa ibang babae habang ikaw nagmumukhang tanga".



DEALING WITH THE BILLIONARE(MADRIGAL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon