Andito ako ngayon sa cr ng kwarto niya, hindi ko na mabilang kong nakailang tampal na ako sa noo ko.
"Ano bang pumasok sa isip mo at hinayaan mo siyang yakapin ka ha!" pakiusap ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
"Nahihibang kana Bella." sabi ko pa at tinampal na naman ang noo ko
Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto.
"What are you doing in there? lumabas kana, lets eat dinner"
Pumikit ako at lumabas nalang habang kagat kagat ang labi ko.
Tumaas ang kilay niya sa akin.
"Let's go." sabi niya at nauna ng maglakad.
Nakatingin lang ako sa likod niya at habang papunta kami sa kusina ay pasipol sipol pa siyang naglalakad.
'Ang saya mo Sir ah! ang sarap batukan litse ka'
Pinagpihit niya ako ng upuan at umupo naman ako doon, umupo naman siya sa harap ko.
'Ano kayang nakain nito? bakit parang ang bait ata'
"Ah, okay kana ba? hindi kana ba nilalagnat?" tanong ko nung mag umpisa na kaming kumain.
" I am now very very very okay." nakangising aniya.
"okay."
"It's so small but I love small anyway.
"Nabulunan ako sa sinabi niya at nag init ang mga pisnge ko nung mapagtanto kung ano ang ibig sabihin niya.
Napatingin naman ako sa boobs ko.
"tangina!"
"Stop cursing, I might kiss you." diritsong saad niya.
Fuck you ka talaga Di Fazio!
Inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy ang kinain ko.
Pagkatapos naming kumain ay gusto niya pa akong ihatid sa amin pero hindi ako pumayag. Sinabihan ko nalang siya na magpahinga nalang, hanggang sa napapayag ko rin siya.
Pero hinatid niya ako sa baba at pinagpara ng masasakyan, nakita ko pa siyang nakatayo lang habang ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng bulsa niya. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko
Napabuntong hininga nalang ako at nakangiting inaalala ang nangyare kanina, pumikit ako isinandal ang ulo ko sa bintana ng sasakyan.
'Malala kana Bella may anak kana't lahat lahat para ka paring teenager na kinikilig'
"Hi Ma!"
"You're Late Ma."
Nagulat nalang ako nung makita ko si Noah at Naomi sa harap ko. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako ng pinto.
Napakurap-kurap ako sa kanilang dalawa si Noah na inosenting nakatingin sa akin at si Naomi namang naka crossed ang braso niya sa kanyang dibdib.
"Pasok muna tayo mga anak, gabi na"sabi ko sa kanila at dinala sila sa sala.
" Oh anak andyan kana pala!" sabi ni Mama nang makita niya ako.
"Kakarating ko lang po." sabi ko sabay mano sa kanya.
"Yang dalawa 'yan ayaw matulog at hinihintay ka."
Napatingin ako sa kambal ko at nginitian ko sila.
"I can't sleep kasi Ma." sabi ni Naomi.
YOU ARE READING
Kairus Theo Di Fazio (UNDER REVISION)
RomanceC O M P L E T E D This is the author's first story on wattpad. Started: January 12, 2022 Ended : February 06, 2022