Umuwi na kahapon si Hell kaya kami nalang ng mga bata sa bahay, kinuha na rin naman sila ni Kairus kanina para ihatid sa paaralan nila. Hindi na ako sumama at sinabi nalang na may gagawin ako kahit wala naman.
Para naman ma solo niya na rin ang mga bata.
Habang nanonood ako ng tv ay may kumatok sa pinto na ikinakunot ng noo ko.
"Sino naman 'to?" tanong ko sa sarili.
Nung buksan ko ang pinto ay nakita ko doon si Clyde.
"Uy! Clyde..pasok ka." sabi ko at nilakihan ang pagbukas ng pinto.
Ngumiti siya sa akin at pumasok.
"Ngayon ka lang nakadalaw ah." sabi ko at pumunta sa kusina. " Juice ba gusto mo o Kape?" tanong ko sa kaniya.
"Kape na Bella."
Pinagtimpla ko siya ng kape pagkatapos ay dinala na sa sala kung saan siya nakaupo.
"Ang dami kong trabahong ginagawa nitong nakaraan kaya ngayon lang nagka oras bumisita." sabi niya.
"Ahh kaya pala."
"Ang aga naman umalis ng mga bata." sabi niya at humigop sa kape.
"Oo, maaga kasi-"
Sabay kaming napabaling ni Clyde sa pintuan nung bigla itong bumukas at niluwa doon ang naka kunot noong si Kairus.
"What are you doing here?" malamig niyang tanong, he's eyes were bloodshot as he walks towards us.
Naglakad siya patungo sa amin at napatayo naman kami ni Clyde.
My heart began to beat rapidly.
"I should be the one who ask you that...What are you doing here?" kunot noo namang tanong ni Clyde sa kaniya.
Napabaling-baling ang tingin ko sa kanilang dalawa at hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo na at mainit ang titigan nilang dalawa sa isa't isa.
"Why don't you tell him why I'm here?" sabi ni Kairus at pareho naman silang napabaling sa akin.
"Huh?...a-ano...k-kasi..." nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko.
"Bakit hindi nalang ikaw?" sabat naman ni Clyde
Mariin akong napapikit.
"Alam niyo? umalis na nga lang kayong dalawa" inis kong sabi at iniwan silang dalawa doon sa sala at nagpunta nalang sa kwarto.
Inis akong umupo sa kama.
"Bahala kayong dalawa riyan" asik ko.
Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang pag andar ng makina ng sasakyan. Napabuntong hininga naman ako.
Maya-maya lang ay lumabas na ako sa kwarto pero ganon nalang ang gulat ko nang madatnan ko si Kairus sa sala na prenteng nakaupo sa maliit naming sofa.
"Bakit nandito ka pa?!"
"Is that why you don't want to come with us because you are waiting for someone?" sabi niya at inignora ang tanong ko. "You're waiting for that dog huh!" Kairus jaw is clenching.
"Ano bang pake mo?" inis kong sambit sa kaniya.
Sabi ko at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig, naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.
Kumuha ako ng tubig sa ref at mabilis na ininom 'yon pagkatapos ay hinarap ko siya.
"Alam mo Kairus gets ko naman kung bakit ka nandito eh....dahil sa mga bata, pero bakit mo pa ako pinakikialaman ha!?" galit kong sambit sa kaniya. " Ano bang pakialam mo kung hinihintay ko si Clyde!" sigaw ko.
YOU ARE READING
Kairus Theo Di Fazio (UNDER REVISION)
RomanceC O M P L E T E D This is the author's first story on wattpad. Started: January 12, 2022 Ended : February 06, 2022