Pareho kaming tahimik sa loob ng kotse, nasa likuran siya habang nasa front seat naman ako katabi ang driver.
Tumingin nalang ako sa labas upang mag mumuni-muni. Miss ko na agad ang kambal ko
Ano kaya ang ginagawa nila ngayon?
Tumigil ang sasakyan sa harap ng Airport, lumabas naman si Sir Kairus kaya sumunod na ako.
Saan ba siya pupunta?
Nakabuntot lang ako sa kanya kung saan siya pumupunta.
Hindi nagtagal ay naglakad na siya papunta sa eroplano.
"Sir, sasama ba ako sayu sumakay diyan?" tanong ko nung nasa may hagdanan na kami ng eroplano.
Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.
"What's the point of being my secretary if you don't come with me?" pagkatapos niyang magsalita ay nilampasan niya na ako.
'shit, pano na 'to? takot ako sa eroplano'
Masama ang loob kung pumasok nalang sa loob, wala naman akong magagawa.
Habang naka upo ay hindi ako mapakali, kinagat kagat ko nalang ang labi ko.
It’s only now that I’ve actually been on a plane all my life, so I don’t know what to feel
Nagsalita na ang flight attendant pero wala akong maintindihan. Pahigpit nang pahigpit na rin ang pagkakahawak ko sa seatbelt.
'Mama, kung may mangyayare mang masama sa akin ngayon. pakialagaan ang mga anak ko mahal na mahal ko kayo. Magkita-kita nalang tayo sa langit'
Lumingon ako sa katabi ko, wala man lang bakas na takot sa mukha niya. Habang ako naman ay parang bulateng binudburan ng asin.
Bigla namang umandar ang eroplano kaya pigil hininga akong pumikit.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko hanggang sa bigla nalang umikot ang mundo ko hanggang wala na akong maramdaman.
Naalimpungatan ako kasi may tumapik sa pisngi ko.
Magandang babae ang bumungad sa akin.
"Nasa langit naba ako?" walanghiyang tanong ko.
"Nasa Italy na po tayo Ma'am, nauna po si Sir Kairus bumaba. Nahimatay po kasi kayo" nakangiting sabi niya.
Gulat naman ako sa sinabi niya kaya naatayo ako ng wala sa oras.
"I-taly?"
"Yes Ma'am"
Wala sa sarili akong bumaba nung nahimasmasan na ako, habang bumababa hinihilot ko ang sintido ko
'tangina, gagawin namin dito? wala naman siyang meeting sa Italy!
"Buti buhay kapa" napaiktad naman ako nung may nagsalita sa gilid ko.
Nakita ko naman si Sir Kairus na nakatayo habang naka cross ang braso sa kanyang dibdib. Nililipad ang buhok niya kaya naging magulo 'yun.
'Ang gwapo naman'
"Akala ko hindi kana gigising, sayang" dismayadong sabi niya.
'Kaso demonyo!'
YOU ARE READING
Kairus Theo Di Fazio (UNDER REVISION)
RomansC O M P L E T E D This is the author's first story on wattpad. Started: January 12, 2022 Ended : February 06, 2022